RV Villamor, labis na hinahangaan bilang Pangulo Ng Mapalad Yellowbell Homeowners Association Inc.
- Published on February 2, 2026
- by @peoplesbalita
HINDI maikakaila na ang ating working Mr. Public Service na si RV Villamor ay napakasipag. Sa kabila ng kanyang napakaraming schedules at pagiging abala sa iba’t ibang gampanin sa komunidad
ay palagi siyang may panahon sa kanyang pamilya at mga kapitbahay.
Kamakailan ay masayang nakihalubilo si RV Villamor sa Mapalad Yellowbell Homeowners Association upang makipag- kamustahan sa lugar na kanyang kinabibilangan bilang Pangulo.
Masasabing karapat-dapat na maging Pangulo ng Homeowners Association si RV Villamor dahil taglay nito ang katangian ng isang leader gaya ng pagiging magalang, matapang sa pagtatanggol sa nasasakupang komunidad, mapagmahal, masipag, matiyaga at higit sa lahat ay mayroong malasakit sa kanyang kapwa.
Isa pang katangi-tanging ugali ng Pangulong ito ay marunong siyang bumaba at magpakababa sa mamamayan ng barangay. Kaya niyang abutin ang bawat sektor ng mga nasa laylayan ng pantay pantay at walang kinikilingan sa nasasakupan.
( Sonny Asignacion)