Hindi raw worth it na sitahin at pagsabihan… SNOOKY, nagbahagi ng karanasan sa mga kabataang walang respeto
- Published on February 2, 2026
- by @peoplesbalita
INAMIN ni Snooky Serna na nakaranas siya na makatrabaho ng mga kabataang artista na walang respeto sa mga beteranang artistang tulad niya.
Sabi niya, “Ay hindi ko na pangangalanan ‘no, pero meron din naman. If I may be very honest, meron.”
Ipinakuwento namin kay Snooky ang sitwasyon.
“Yung halimbawa ano kayo, magte-take na.
“Bago mag-take pala may rehearsal di ba? Tapos pag crying scene siyempre bibigyan ka muna ng mga few seconds para makapag-internalize.
“Iiyak ka, pag ready ka na, ‘O ready na po.’
“Take na. May mga nakasama na ako na parang nakikita mo na [nagme-make faces na tila naiinip], ‘Tagal naman ready na ako!’
“Yung parang ganun.”
Baka masyadong confident ang kaeksena niya?
“I don’t know what it is; over-confidence or lack of patience or I don’t know, arrogance, I don’t know.
“But it’s a shame di ba, it’s on them, not on me.
“Kasi ako naman, alam ko rin naman kung… hindi naman ako magpapatagal ng mga thirty minutes, di ba?
“Alam ko naman where I stand.
“May mga ginagawa tayong shows na hindi naman ako yung bida and even if I were the bida I will not do that.
“Hindi naman ako magpapahintay na, hindi naman pa-diva ako.
“Kaya lang, iyon nga unfortunately may mga nakasama lang ako na mga kabataan na may attitude talaga.
“At tsaka yung makikita ka sa gathering, gaganunin [tatanguan] ka lang. Parang barkada lang, parang tropa lang,” at natawa si Snooky.
Hindi raw worth it na pinagsabihan o sitahin ang mga ito.
Banggit namin kay Snooky, si Miss D o si Dina Bonnevie, pina-prangka ang mga young stars na nakakatrabahong may attitude.
“Tama naman din, si ate alam mo naman matapang yun, pero ako, I’m very retiring, at tsaka parang siguro on that light na ako e, very, ano ako, parang I’m so, in a lot of ways todo-pasa ako, e.
“Very passive so para sa akin, in the scheme of things, maliit na bagay na lang huwag ng pag-aksayahan ng panahon.
“Makakakakita rin ng katapat iyon.
“Pero of course you don’t wish for that, kaya lang iyon talaga ang ano e, what you sow you reap.”
Samantala, napapanood si Snooky sa afternoon drama series ng GMA na ‘House of Lies.’