• April 18, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Prone din si Carla sa home accident… ALDEN, pinag-iingat ng kilalang psychic pagdating sa water accident

NAGLABAS ng visions ang kilalang psychic na si Rudy Baldwin kamakailan sa vid podcast na ‘Your Honor.’

Isa sa pinag-iingat ni Rudy ay si Alden Richards. Dapat daw ay mag-ingat ang Kapuso actor pagdating sa water accident.

“Advise ko kay Alden this vision is until 2030, ‘yung accident sa water. So, iwasan mo muna ‘yung masyadong water activities.

“Kasi I have a client na ‘yung vision ko sa kanya, accident sa 2025 is water. Tapos winarningan ko siya na puwede mangyari sa loob ng bahay, which is nakuryente siya dahil sa tubig. Puwedeng outside, puwedeng inside, so mag-ingat na lang siya by water laman e.

“The rest of it okay naman, maganda kasi kay Alden ‘yung mga angels niya very active, like no matter what happens ginagabayan siya. Kung tipong may mawalang one percent, may bumabalik na 100 percent. Napaka-good heart na person naman kasi, napakadaling lapitin wala kang masasabi dito.”

Pinag-iingat din ni Rudy si Carla Abellana dahil sa kanyang vision ay prone sa home accident ang Kapuso actress.

“One more thing, itong 2026 magkaroon siya ng six times na home accident sa loob ng bahay.

“Puwedeng madulas, although ‘yung partner niya doktor. Basta alerto na lang sa mga bahay na madulas, conscious ka dun lalo na sa sahig. Kasi, dito ang nakita ko sa kaniya part ng balakang na parang may bumukol in the right side. So, puwedeng bumagsak ka dito.”

Pinayuhan din niya ang aktres na i-monitor ang kanyang health dahil may nakita siya na posible na harapin heart problem si Carla sa taong 2027.

Wala raw masamang intensyon si Rudy sa kanyang predictions at hangad lang niya ay matulungan silang mapigilan kung meron man siyang nakikitang posibleng problema.

“Para sa akin kasi, sa mga artista, ayoko lahat kayo magalit sa akin. ˈWag kayo magalit sa akin, pero maganda lang ‘yung may prevention.

“Sabi nga nila, kung mahal tayo ng Diyos dapat hindi nangyari ‘yung mga ganun bagay. Kaya nga tayo mahal ng Diyos, kasi may paalala.”

(RUEL J. MENDOZA)