Sa 267 entries na ipinadala mula sa buong bansa… ‘Puregold CinePanalo’, inihayag na ang Top 20 Student Shorts finalists
- Published on January 31, 2026
- by @peoplesbalita
OPISYAL nang inihayag ng Puregold CinePanalo ang Top 20 Student Short Films na napili mula sa 267 entries na ipinadala ng mga mag-aaral mula sa iba’t ibang panig ng bansa.Mula sa paunang Top 53 shortlist, napili ang pinakamahusay na obra na nilikha ng student filmmakers na sasabak sa ikatlong edisyon ng festival.Narito ang 20 Student Shorts na napili para sa taong ito sa Puregold CinePanalo:“Starfish” by John Clite Apolinar, Polytechnic University of the Philippines“Alumahan” by Christian Melvin M. Arejola, Polytechnic University of the Philippines“A MILLION DREAM” by Ace Joven Balleta, University of Eastern Philippines“Kanibal” by Michael Baylon, University of the Philippines (Visayas)“Miss Intrams” by Henri Marie C. Belimac, University of the Philippines (Mindanao)“THE SOUND OF K” by Jay Gabriel A. Cañada, Visayas State University“TEKS BATTLE: SHOOT PATI PATO!” by John Russel Capule, University of Caloocan City“TINGI” by Rowan De Aro, Tanza National Comprehensive High School“Pulis Dunggab” by Maxine Dela Bajan, iACADEMY Cebu“Kapag Tapos na ang Umpukan” by Justine Lee Estinor, Manuel S. Enverga University Foundation“Ang Huling Banlaw ni Susan” by Hezekiah M. Estorque, University of the Philippines (Visayas)“Sa Mga Nagdaan at Lumipas” by Ezaldea Carla Fernandez, University of the Philippines (Open University)“12 Shots” by Minnesota Flores, University of the Philippines (Diliman)“No Mad is An Island” by Carl Geronimo, City of Malabon University“Nakabinbin” by Carlo M. Gula, Colegio de San Juan de Letran – Manila“When Heaven Inched Towards Earth” by Vinh Marco, University of the Philippines (Diliman)“Limlim” by Samantha Beatriz Acoja Palaje, St. Dominic College of Asia“Bumtak Sara ti Nuangen (The Carabao’s Horns Have Cracked)” by Lloyd Pereira, Polytechnic University of the Philippines“Kun Hain? Bisan Diin” by Jomarie Reyes, University of the Philippines (Diliman)“Nang Matakasan ang Tagay” by Giancarlo Santiago, University of the Philippines (Diliman)Makakatanggap ang mga young filmmaker ng production grant na PhP 200,000, bukod pa sa sponsorship ng equipment packages upang masuportahan ang produksyon ng kanilang mga pelikula bilang bahagi ng mas pinalawak na programa ng Puregold CinePanalo ngayong taon.Sa pakikipagtulungan ng Asia Pacific Film Institute (APFI), inilunsad din ang pinalawak na educational incentives para sa mga kalahok. Ang mga mananalo sa Best Film, Jury Prize, at Best Director ay magiging kuwalipikado para sa full scholarships sa APFI, kasama ang iba pang tuition benefits at career guidance programs.Ipinahayag ni Ms. Ivy Hayagan-Piedad, Senior Marketing Manager ng Puregold, ang kanyang pagbati sa Top 20 finalists. “Hindi naging madali ang marating ang yugtong ito. Naniniwala kami na ang mga batang filmmaker na ito ang may dalang mahahalagang kuwentong kailangang maibahagi sa kasalukuyang panahon. Ipinagmamalaki naming mabigyan sila ng plataporma upang maisabuhay ang kanilang mga kuwento, at inaabangan naming makita kung paano tatanggapin at makaka-relate ang mga manonood sa mga pelikulang ito.”Isa na ngayong kinikilalang plataporma sa industriya ng pelikulang Pilipino, ang Puregold CinePanalo ay isang festival na naglalayong itaguyod ang boses at sining ng mga batang Filipino filmmaker. Mula nang ilunsad ito, daan-daang libong piso na ang naipamahaging production grants, na nagbukas ng mas maraming oportunidad para sa kanilang propesyonal na pag-unlad at exposure.Gaganapin ang Puregold CinePanalo Film Festival mula Setyembre 23 hanggang Oktubre 4, 2026 sa Gateway Cineplex 18 sa Araneta City at sa piling Ayala Cinemas, kung saan ipapalabas ang 20 student shorts kasabay ng pitong full-length feature films.Ang mga pelikulang nalikha at naipalabas sa mga nakaraang edisyon ng festival ay nagpatuloy na umani ng kritikal na papuri, naipalabas sa iba’t ibang kilalang film festivals sa loob at labas ng bansa, at nagkamit ng mga parangal.Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Puregold CinePanalo Film Festival, maaaring bumisita sa opisyal na Facebook page ng festival sa facebook.com/puregoldcinepanalo.(ROHN ROMULO)