• April 24, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Lolo na akusado sa pang-aabuso sa menor-de-edad sa Navotas, himas-rehas

SA kulungan ang bagsak ng isang lolo na akusado sa pang-aabuso sa isang menor-de-edad matapos malambat ng pulisya sa ikinasang manhunt operation sa Navotas City, kamakalawa ng hapon.

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/BGen. Christopher Dela Cruz, sinabi ni Navotas Police Chief P/Col. Renante Pinuela na ang akusado ay isang 60-anyos na residente ng lungsod.

May warrant of arrest umano ang akusado para sa paglabag sa Section 5(b) ng Republic Act No. 7610 (Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act) na inisyu ng Regional Trial Court, National Capital Judicial Region, noong January 12, 2026.

Dahil dito, kaagad iniutos ni Col. Pinuela sa kanyang mga tauhan ang malawakang pagtugis sa akusado na nakatala bilang No. 6 sa Top Ten Most Wanted Person sa Navotas CPS at No. 10 naman sa NPD.

Alas-5:35 ng hapon nang tuluyang masukol ng tumutugis na mga operatiba ng Navotas Police Warrant and Subpoena Section ang akusado sa Barangay NBBS Dagat-Dagatan.

Dinakip ng mga tauhan ni Col. Pinuela ang akusado sa bisa ng naturang arrest warrant na inirekomendang piyansa na ₱200,000.00 para sa kanyang pansamantalang paglaya.

Ang akusado ay pansamantalang nakapiit sa Custodial Facility Unit ng Navotas CPS habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa korte.

Pinuri naman ni Gen. Dela Cruz ang arresting team sa kanilang pagsisikap at dedikasyon para hulihin ang mga lumalabag sa batas upa