• April 24, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, ipinag-utos ang mahigpit na pagmo-monitor laban sa Nipah virus, at iba pang nakahahawang sakit

KASUNOD ng naging direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., pinaigting ng Department of Health (DOH) ang surveillance nito laban sa Nipah virus at iba pang mga nakahahawang sakit upang pangalagaan ang kalusugan ng publiko.

“Patuloy na nakatutok at nagbabantay and Bureau of Quarantine ng DOH sa Nipah virus na napabalitang na-detect muli sa ibang bansa,” ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang.

“Ito’y alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na panatilihing ligtas ang mga Pilipino mula sa mga infectious diseases,” aniya pa rin.

Sinabi pa ni Castro na inayon ng DOH ang health protocols nito sa pinakabagong updates mula sa World Health Organization (WHO).

Idinagdag pa ni Castro na nananatiling ‘fully alert’ ang DoH at proactive sa pagsasagawa ng screening procedures sa borders ng bansa sa pamamagitan ng ‘on-arrival thermal scanning, trained observation, at close scrutiny of online health declarations.’

PInaigting din ng health department ang information campaign nito sa Nipah virus, itinaas ang kamalayan sa sa sintomas gaya ng lagnat, sakit ng ulo, at hirap sa paghinga.

Sinabi ng mga health officials na ang virus ay maaaring maisalin sa pamamagitan ng direct contact sa infected animals gaya ng paniki at baboy, at kontaminadong prutas.

Sa kabilang dako, pinayuhan naman ni Castro ang publiko na i-monitor ang DoH health updates upang tiyakin ang kaligtasan.
( Daris Jose)