Sa traffic accidents… 5-minute response policy ipatutupad ng MMDA sa NCR
- Published on January 29, 2026
- by @peoplesbalita
ILULUNSAD ng Metropolitan Manila and Development Authority (MMDA) ang 5-minute response policy sa mga aksidente sa trapiko sa National Capital Region (NCR).
Ito naman ang sinabi ni MMDA General Manager Nicolas Torre III kung saan ito na ang huling linggo ng training at dry-testing at nakatakda na itong ipatupad sa lahat ng mga kalsada.
“Alam natin ang mga kalsada as it is ay congested na. Mas lalong magiging congested ‘yan kapag may banggaan,”aniya pa.
Lumalabas sa ulat ng TomTom Traffic Index for 2025 na ang mga motorista at commuters sa Pilipinas ang may pinakamaraming oras na ginugugol sa trapiko sa buong Asya na may congestion level na 45%, sumunod ang India at Singapore, na parehong nasa 37% ang congestion level.
Tiniyak din ni Torre sa publiko na sinisikap ng MMDA na solusyunan ang traffic congestion sa bansa.
“Rest assured ang MMDA po ay nagtatrabaho para maghanap ng solusyon para sa ating kalbaryo na araw-araw ay dinaranas,” dagdag pa ni Torre. ( Daris Jose)