Manila Rep. Benny Abante, tinuring na attack crocodile ni dating Speaker Martin Romualdez
- Published on January 29, 2026
- by @peoplesbalita
NAGSISILBI umanong attack crocodile ni dating Speaker Martin Romualdez si Manila Rep. Benny Abante.
Ito ang tugon ni Navotas Rep. Toby Tiangco sa pagtuligsa sa kanya ni Abante kaugnay sa isyu ng kontrobersiyal na flood control project.
“Obvious naman na attack crocodile ni Martin Romualdez si Benny Abante and it’s my pleasure and honor to be criticized by those protecting, defending and praising Martin Romualdez,” ani Tiangco.
Pahayag nito na binubuhay niya ang isyu dahil hanggang ngayon ay wala pang malaking isda na napapanagot pagdating sa flood control projects at maanomalya umanong insertions na nangyari sa 2025 budget.
Una ng tinanong ni House Committee on Human Rights Chairman Bienvenido Abante Tiangco kung nais nitong maging kay susunod na ‘meow-meow’ sa Kamara.
Ang pahayag ni Abante ay bunsod na rin sa patuloy na pagbuhay ni Tiangco sa mga walang basehan umanong intriga laban kina Pangulong Marcos at dating Speaker Romualdez kaugnay sa budget.
Sinabi ni Abante na ang pauli-ulit na patutsada ni Tiangco ay nagiging dahilan para magkaroon ng dibisyon ay pagkalito sa kabila ng kawalan ng ebidensiya at formal complaints.
“Gusto mo bang ikaw na ang susunod na meow-meow?” Kung may ebidensiya, ilabas. Kung wala, tigilan na ang paninira at ang paghahasik ng pagkakawatak-watak. Paulit-ulit siya, parang sirang plaka,” ani Abante.
(Vina de Guzman)