Nagbabalik ang tambalan nila ni Anne… JERICHO, mas nagbibigay ng pagmamahal kumpara sa natatanggap
- Published on January 28, 2026
- by @peoplesbalita
NAGBABALIK ang tambalan nina Jericho Rosales at Anne Curtis sa pelikulang ‘The Loved One.’
Kuwento ito nina Eric at Ellie, isang minamahal at isang nagmamahal.
Lahad ni Jericho, “Yung character ko kasi siya yung nag-re-represent na tradisyunal na Pilipinong lalake. Na ito yun, dapat ganito. Dapat ganyan tayo sa isang relationship.
“Kailangan ganito ang gawin natin. Ito yung tama, ganyan. Minsan kasi kailangan natin maintindihan na hindi sa lahat ng panahon, kailangan makahon ang kababaihan sa kultura at tradisyon.
“Tungkol kasi siya sa pag-grow, parang ganun.”
At dahil tungkol sa minamahal (loved one) at nagmamahal (lover) natanong si Echo, siya ba ay ang lover o siya ang loved one?
“Lover,” mabilis na sagot ni Echo.
“But on certain days also the loved one. Pero recently tinuturuan ko yung sarili ko to receive love.
“I’ve been so used to, you know, giving and giving and giving [love].
“Pero my difficulty minsan receiving, so time around I’m learning to be the loved one,” ang nakangiting sinabi pa ni Jericho.
Unang nagsama sa isang pelikula, ang ‘Baler’ sina Jericho at Anne noong 2008.
Mula sa Viva Films at Cornerstone Studios, nasa pelikula rin sina Catriona Gray sa una nitong pagsabak sa paggawa ng pelikula, at sina Luis Allandy, Ian Pangilinan at Max Eigemann, sa direksyon ni Irene Emma Villamor.
Mapapanood na sa mga sinehan ang ‘The Loved One’ simula February 11.
(ROMMEL L. GONZALES)