• March 4, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

ICI: P5 bilyong air assets ni Zaldy Co, na-freeze na

NA- FREEZE na umano ang P5 bilyong halaga ng air assets ni dating Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co.

Mismong si Independent Commission for Infrastructure (ICI) Technical Working Group Chairperson Renato Paraiso ang nagkumpirma nito.

Nabatid na kabilang sa na-freeze ay isang helicopter na nasa Malaysia at isang Gulfstream aircraft na nasa Singapore.

Paglilinaw naman ni Paraiso, bagamat frozen na, hindi pa pisikal na naibabalik ang mga naturang air assets.
Aminado rin siya na ito ang isa sa mga hamon na kanilang kinakaharap sa ngayon.

“Na-freeze na natin sila. Hindi pa sila physically mababalik dito sa Pilipinas. Iyon nga ‘yung isa sa mga challenges namin,” ani Paraiso, sa isang media interview.

Dagdag pa niya, “Gumagastos ang gobyerno para doon sa hanger fee nila, sa mga maintenance fee nila. ‘Yun na lang ‘yung konting challenge natin, mag-order ang CA to seize the assets… pero as far as they’re frozen… frozen na ‘yang mga asset na ‘yan, hindi na magagalaw ‘yan.”
Sa kabila nito, tiwala ang ICI na agad ding maibabalik sa bansa ang air assets ni Co.
( Daris Jose)