Tulak, swak sa Valenzuela drug bust, P102K shabu nasamsam
- Published on January 21, 2026
- by @peoplesbalita
UMABOT sa mahigit P.1 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa isang bagong identified drug personality matapos maaresto sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City.
Kinilala ni P/Lt. Sherwin Dascil, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Valenzuela City Police Station ang suspek na si alyas “Weng”, 40, residente ng Brgy., Bulihan, Malolos Bulacan.
Ayon kay Lt. Dascil, nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa umano’y illegal drug activities ni alyas Weng kung saan dumadayo pa umano ito sa lungsod para magbenta ng droga.
Nang magawang makipagtransaksyon sa suspek ng isa sa kanyang mga tauhan, kaagad bumuo ng team si Lt. Dascil bago ikinasa ang buy bust operation laban kay ‘Weng’ sa koordinasyon sa PDEA.
Dakong alas-12:30 ng hating gabi nang dumating umano ang suspek sakay ng kanyang motorsiklo sa Gonzales St., Brgy., Malanday para makipagkita sa katransaksyon na pulis na nagpanggap na buyer na naging dahilan ng pagkakaaresto sa kanya.
Nakumpiska sa suspek ang humigi’t kumulang 15 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P102,000, buy bust money na isang tunay na P500 bill, kasama ang pitong P1,000 boodle money, P200 cash at gamit niyang motorsiklo.
Ayon kay SDEU investigator PSSg Cris Paul Collo, mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.
Pinuri naman ni Northern Police District (NPD) District Director P/BGen. Christopher Dela Cruz ang SDEU team sa kanilang matagumpay na drug operation.
(Richard Mesa)