Vice Mayor Tany Zara ng Bayan ng Rosario, Pinaunlakan ang Pagbisita ng Miyembro ng Media
- Published on January 21, 2026
- by @peoplesbalita
NAGING mainit ang pagtanggap ni Vice Mayor Atanacio “Tany ” Zara sa miyembro ng Media galing People’s Balita National Daily Newspaper at Bagong Henerasyon News Tv Worldwide.
Nagpaunlak din ito ng isang panayam upang maipahayag ang mga naisabatas at mga resolusyon mula ng kanyang panunungkulan bilang Bise Alkalde ng nasabing Bayan.
Binanggit niya ang mga naipasang batas mula sa senior citizens, edukasyon, pangkalusugan, at iba pang mas makakatulong sa Pamahalaan Bayan Bayan ng Rosario Batangas.
Panawagan niya na mabigyan pansin ang resolusyon na naipasa niya noong 2023 para sa pagpapatayo ng Sariling Kolehiyo o Rosario Batangas College para sa kanilang mga mag-aaral sa Kolehiyo.
Gayundin ay nanawagan din siya sa National Commission for Senior Citizens at sa Pamahalaan na madadagan ang mga nakakatanda na nakakatanggap ng pensyon sa kanilang bayan, dahil sa tatlong libong Senior Citizens lamang ang mga nakakatanggap ng Social Pension.
Bagama’t na nasa labing-apat na libong nakakatanda na ang datos dito ay hiling niya na madagdagan pa ito at kahit umabot man lang sa apat na libong nakakatanda ang makatanggap ng nasabing pensyon.
Sa huling mensahe nito para sa mga kababayan ay ipinangako niya ang patuloy na suporta sa kanilang Punong Bayan na si Mayor Leovigildo Morpe at sa mga proyekto at programa nito.
Kasunod nito ay ang paanyaya para sa Eye Mission sa darating na Pebrero 01, 2026, gayundin sa darating na Pebrero 10,2026 ay magkakaroon din sila ng pagpaparehistro ng mga Baril o Guns Licensing Registration para sa mga wala pang lisensya. Yvonne (Bagang/Photos Boy Morales Sr.)