• April 25, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Lohikal at pisikal na imposible ang alegasyon kay Curlee Discaya – Atty. Ade Fajardo

“LOGICALLY , physically impossible”
Ito ang pahayag ni Atty. Ade Fajardo, lawyer/spokesperson ni dating Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa alegasyon ng dalawang saksi na humarap sa pagdinig ng senado nitong Lunes.
Ayon kay Fajardo, lohikal at pisikal na imposible ang alegasyon dahil una ng tumestigo si Curlee Discaya na hindi siya pumasok sa South Forbes Park, kaya imposible para sa kanyana lumapit o nagbigay ng anumang instruction.
Ang alegasyon ay mula sa staff ng isang evicted tenant, at walang supporting document.
Habang walang nakalagay na pangalan ni Romualdez sa deed, contract, o payment record kaugnay sa property.
“There is no evidence—only hearsay and possibly perjured statements —and therefore nothing to answer,” pagtatapos ni Fajardo. (Vina de Guzman)