• March 2, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Malakanyang, nagdeklara ng special non-working days para sa lokal na kapistahan

NAGPROKLAMA ang Malakanyang ng serye ng special non-working days sa isang lalawigan, apat sa siyudad at para sa apat na munisipalidad para pahintulutan ang mga residente ngayong taon na ganap na magpartisipa sa lokal na selebrasyon at commemorative events.
Sa ilalim ng Proclamation No. 1129, ang Feb. 10 ay isang special non-working day sa Bacolor, Pampanga para sa pagdiriwang ng Bacolor Day, habang ang Proclamation No. 1130 na nakatakda sa Feb. 21 ay bilang isang special non-working day para sa paggunita ng Araw ng Marinduque.
Samantala, ang Jan. 22 ay isang special non-working day sa Guiguinto, Bulacan sa ilalim ng Proclamation No. 1131 bilang tanda ng Halamanan Festival.
Sa pamamagitan naman ng Proclamation No. 1132, idineklara ng Malakanyang ang Feb. 17 bilang special non-working day sa Kabasalan, Zamboanga Sibugay para sa pagdiriwang ng Araw ng Kabasalan.
Ang Proclamation No. 1133, idineklara noong Jan. 15 bilang special non-working days sa San Pablo City, Laguna para sa Coconut Festival at Proclamation No. 1134 ay idineklara noong May 7 para sa charter anniversary ng Lungsod.
Samantala, ang Feb. 2 ay idineklara bilang special non-working day sa Katipunan, Zamboanga del Norte para sa 112th Araw ng Katipunan sa ilalim ng Proclamations Nos. 1135; at sa Mabalacat City, Pampanga para sa 314th founding anniversary nito sa ilalim ng Proclamation No. 1139.
Sa ilalim naman ng Proclamation No. 1136, ang Feb. 6 ay idineklara bilang special non-working day sa Consolacion Cebu bilang marka ng kanilang106th founding anniversary.

Sa kabilang dako, idineklara naman sa Candoni, Negros Occidental ang special non-working day sa Feb. 11 para sa pagdiriwang ng Dinagyaw sa Tablas Festival, alinsunod sa Proclamation No. 1137. Ang Kapistahan ay pagdakila sa mga maagang naninirahan na nagbago sa kagubatan at ginawang ‘fertile communities.’
Gugunitain naman ng Cabanatuan City sa Nueva Ecija bilang isang special non-working day sa darating na Feb. 3 ang 76th founding anniversary, nakapaloob ito sa ilalim ng Proclamation No. 1138.
Samantala, ang lahat ng proklamasyon ay nilagdaan ni Executive Secretary Ralph Recto, na may pahintulot ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ( Daris Jose)