SEC BONOAN KASAMA SA PLUNDER CASE NG FLOOD CONTROL
- Published on January 20, 2026
- by @peoplesbalita
KASAMA si dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan sa mga respondent sa kasong plunder sa Department of Justice ayon sa kumpirmasyon ni Justice spokesperson Atty.Polo Martinez.
Ayon kay Atty.Martinez , direktang inihain ng DOJ ang reklamo sa National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay sa maanomalyang flood control projects kung saan kapwa respondent ni Bonoan sa plunder case si Senator Jinggoy Estrada.
Sinabi ni Atty.Martinez na wala pang itinakdang petsa para sa preliminary investigation sa kaso .
Ito aniya ay itatalaga pa lamang sa assigned panel of prosecutors na siyang hahawak ng imbestigasyon.
Nauna nang sinabi ni DOJ Prosecutor General Richard Fadullon sa isang forum na nagkaroon ng fact-finding ang NBI katuwang ang mga Prosecutor saka nagkaroon ng rekomendasyon sa Office of the Ombudsman. (Gene Adsuara)