• April 25, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Si Rochelle daw ang dapat kinuhang judge… RAYVER, minamaliit ng netizens ang husay bilang dancer

NAKAKALOKA rin talaga ang ilang netizens. Ipinakilala pa lang sa mediacon si Rayver Cruz bilang bagong judge ng ‘Stars on the Floor’, aba may nabasa na kaming comment sa X.

Na kesyo dapat daw si Rochelle Pangilinan ang ginawang host at sinakyan na ng network ang pagiging hot nito ngayon dahil sa success ng Sexbomb reunion concert.

As much as may tama naman ang netizen dahil keri nga ni Rochelle na maging judge, hindi naman ito dahilan para itsa-pwera si Rayver o ang dating, parang nagkamali ang network sa pagkapili sa kanya.

Eh, hindi rin naman matatawaran ang husay ni Rayver bilang isang dancer. Tinanong nga namin siya kung mas okay siya na maging judge o isa sa mga contestant. Sey namin, kung contestant siya, malaki ang chance niya na mag-champion.

Sabi naman ni Rayver, “Magkaibang pressure po kasi ‘yon. Pero mas may pressure kapag contestant.

“Pero kung yun ang naging destiny ko, siyempre, I will take it as a challenge like my brother. Kasi, hindi naman na tayo bumabata, e.

“Iba pa rin ‘yung lakas ng youth. Pero kapag nasa certain age ka na, matsa-challenge mo na ‘yung sarili mo.”

Mukhang mae-enjoy ni Rayver ang pagiging judge kunsaan, makakasama n’ya rin sina Coach Jay at Marian Rivera. At siyempre, si Alden Richards bilang host.

***

NAGMARKA sa amin nang binasa namin ang post ni Rabiya Mateo tungkol sa pinagdaanan at pinagdadaanan n’ya pa rin sa kanyang mental health.

‘Yung sinabi n’ya na, “You don’t know how little kindness mean to a depressed person like me and how your words can push me to do something else.”

Siyang tunay naman talaga. Kaya sana talaga instead na manghusga, mas maging kind dahil hindi mo alam ang pinagdadaanan ng bawat isa.

Kaya pala rin nawala si Rabiya last year, 3 months din siya sa U.S. at ito rin yung instead na kilalanin siya, itinakwil pa siya ng hinanap n’yang biological father.

Major depressive with anxious distress ang naging finding sa kanya. Sabi pa n’ya, “I planned to keep my depression to myself. Years of battling it every day. Years of trying to keep myself together.

“Bullying needs to stop now. It causes harm more than you ever know!”

Ayon pa rin kay Rabiya, “Mental Health Awareness.

“2025, I was diagnosed with depression and anxious distress. I had my several rounds of medication. I left the country for 3 months so I won’t get triggered by people who have no idea what I’ve been going through.

“Everyday was a struggle to survive. I almost deactivated everything and disappear to have a quiet and peaceful life. I fought hard and still fighting up until now.

“When I saw what happen to Emman and saw how painful it was for Kuya Kuya Kim Atienza and his family, I made a promise to myself to never give up because I don’t want my Mama to experience the same thing.”

Napakarami ng dumadaan sa mental health issue, gaya ni Rabiya sana ay mas maging matatag ang lahat.

(ROSE GARCIA)