• April 26, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pasabog ang rebelasyon sa ‘I-listen With Kara David’… CHARIZ, biktima ng physical, verbal, at sexual abuse noong bata pa

PASABOG ang rebelasyon ni Chariz Solomon tungkol sa dinanas niyang physical, verbal, at sexual abuse noong bata pa siya.
Nangyari ito sa programang ‘I-listen With Kara David.’
Six years old pa lamang si Chariz nang nagtrabaho sa Japan ang ina niya matapos mahiwalay sa ama ni Chariz.
Apat silang magkakapatid na naiwan sa kanilang kasambahay pero later on ay umalis din.
Dahil dito ay napunta ang magkakapatid sa kanilang mga kamag-anak.
“Gaano kahirap na lumaki na, technically, wala sa tabi mo yung nanay at tatay mo,” ang tanong ni Kara ay Chariz.
Sinagot ito ni Chariz ng, “Natatandaan ko lang is malungkot ako. Tapos sa school, lagi kong sine-share na wala akong parents.
“Tapos, parang napatawag pa yung guardians ko kasi bakit daw ganoon yung sinasabi ko.
“Alam kong malungkot lang ako. Tapos, sa bahay, alam kong hindi ako masaya.”
At ibinahagi na ni Chariz ang mga pang-aabuso sa kanya ng mga pinagkakatiwalaang kamag-anak.
Grade III raw siya nang mangyari ang lahat.
“Hindi ako lumaki sa masayang environment.
“Meron kasing verbal abuse, merong physical abuse.
“Tapos, hindi nila alam na naiintindihan ko yung ginagawa nila sa akin.
“Mayroon ding time na naranasan ko rin yung sexual abuse.
“Hindi ko alam kung alam ng iba kong relatives.”
Humingi rin ng tawad kay Chariz ang relative niyang nang-abuso sa kanya.
Lahad pa ni Chariz, “Alam mo yung, ‘Totoo bang nangyari ito?’
“May ganoong coping mechanism. Hindi mo alam kung talagang nangyari yon.
“Grade III ako noon. Tapos nag-sorry sa akin, thirteen na yata ako.
“Doon ko na-realize, ‘Ay, totoo siyang nangyari.’”
Malaki raw ang naging epekto nito sa emotional at mental health ni Chariz at umabot sa puntong sinasaktan niya ang sarili upang pansamantalang mamanhid mula sa mga sakit na dinanas niya.
“Hindi talaga ako proud dito, pero nag-self-harm ako noong bata ako.
“Parang eleven ako noon nang nag-self harm ako.
“Hindi ko naman gustong mamatay. Yung feeling na, ‘Hindi puwedeng may masamang mangyari sa akin kasi kailangan ako ng mga mahal ko, hindi muna.’ Yung ganun.
“Paglaki ko, inisip ko kung bakit ko yun ginawa. “Tapos naisip ko, ‘Ah, gusto kong lumabas siya as physical pain.
“Yung nararamdaman ko inside na hindi ko malabas, masigaw,” pagbabahagi pa ng Sparkle artist.
Naging bayolente rin daw siya sa ibang tao.
“Naging violent ako, may phase akong ganun. Naging angry ako, naging bully ako, at hindi ako proud dun.
“Yung parang naging defensive ka, konting ano lang sa iyo nung classmate mo e, galit ka na agad, gulpihan na agad, yung ganun.
“Hindi ako proud dun. Pero noong ina-access ko na yung sarili ko, parang nagkaroon din ako ng time na isiping baka kasalanan ko.
“Tapos may time na, ‘Bakit mo ginawa yun, e alam mo namang masama yon?’
“Noong nagkaroon ako ng forgiveness sa sarili ko, sabi ko, ‘Kasi siguro bata pa ako noon. Siguro kasi hindi ako nagkaroon ng maayos na environment sa bahay.
Nagsilbing hugutan ng lakas ang mga sinapit niya para kay Chariz.
“Ang natutunan ko, marami talagang bagay na hindi natin makokontrol. But you can work your way around it.
“Totoo yung, ‘When life gives you lemons, you make it sweet.’
“Mayroon kang power. I have the power to change my life, my future, my present.
“Don’t let it, like, have control over your life the bad things. Because bad things will happen. There is no light if there’s no darkness.
“Doon pumapasok si Lord. Trust your God.
“Bad things will happen, it will.
“Pero you have to be strong and know and acknowledge your strengths, and you choose happiness as much as possible.”

(ROMMEL L. GONZALES)