Sec. Remulla, binawi ang unang pahayag ukol sa usapin ng extradition treaty para maaresto si Zaldy Co
- Published on January 14, 2026
- by @peoplesbalita
BINAWI ni Interior Secretary Jonvic Remulla ang nauna nitong pahayag na ipinag-utos na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na mag-apply na sila ng ”formal application” ng extradition treaty kahit pa walang extradition treaty sa pagitan ng Pilipinas at Protugal para maaresto si dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co.“Let me clarify. The President instructed to study the possibility of applying for extradition of Zaldy Co with Portugal. Pinag- aaralan pa namin kasi ang magulo dito ay wala tayong extradition treaty but there are other avenues that we can pursue na gusto niyang pag aralan,” ang sinabi ni Remulla sa isang phone interview ng mga miyembro ng Malacanang Press Corps (MPC).At nang uriratin sa kanya kung ano ang mga avenues na ito, ang sagot ni Remulla ay nandiyan ang interpol, United Nations (UN), at iba pang ahensiya na maaari nilang madaanan.“So, pinag-aaralan pa namin kung paano gagawin,” aniya pa rin.At sa tanong naman kung ipipilit ng Pilipinas na makakuha ng tratado o kasunduan para maaresto si Zaldy Co, inamin ng Kalihim na magtatagal pa ito.“A treaty takes years and years so the other avenues possible is pag-aralan kung paano namin, natin magagawa ang extradition niya without passing through a treaty,” ang sinabi ni Remulla.At kung mae-extradite ba si Zaldy Co kahit na walang extradition [treaty] o ang mangyayari na lamang ay maire-repatriate, ang sinabi ni Remulla ay “We will study… Ang instruction ay pag-aralan namin kung paano namin…”Ang punto lamang aniya nila ay maibalik sa bansa si Zaldy Co.“Yes oo, at all avenues para magawa namin yan,” diing pahayag ni Remulla.Nilinaw ni Remulla na ang ginagawa ng gobyerno ay para mai-repatriate o mapauwi sa Pilipinas si Zaldy Co at hindi ang i-extradite lalo pa’t wala namang extradition treaty sa pagitan ng Pilipinas at Portugal.“Extradition is almost impossible kasi wala nga tayong treaty pero we’re exploring all avenues and we are studying para makuha siya.We will look for all possible means to repatriate Zaldy Co to the Philippines. Not extradite. Repatriate,” paglilinaw ni Remulla.Nauna kasing sinabi ni Remulla na nais ni Pangulong Marcos na magkaroon ng extradition treaty sa Portugal para sa pag-aresto kay Zaldy Co.Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Remulla, ipinag-utos na ng Pangulo na mag-apply na sila ng ”formal application” ng extradition treaty kahit pa walang extradition treaty sa pagitan ng Pilipinas at Protugal.Sa pamamagitan aniya ng Interpol ay magre-request na sila ng repatriation ni Zaldy Co kung nasa Portugal talaga aniya ang huli.Si Co ay pinaniniwalaang nasa Portugal sa gitna ng nagpapatuloy na pag-aresto sa indibiduwal na kinasuhan dahil sa flood control mess sa Oriental Mindoro.Si Co ay pinaghihinalaang humahawak ng Portuguese passport, na “acquired so many years ago”. ( Daris Jose)