Aplikante, hired-on-the-spot sa Mega Job Fair sa Navotas
- Published on January 13, 2026
- by @peoplesbalita
UMABOT sa 83 aplikante ang hired-on-the-spot sa isinagawang Mega Job Fair ng Navotas Public Employment Service Office (PESO) bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-120 anibersaryo ng lungsod. Mahigit 34 partner companies ang nagbukas ng job opportunities para sa mga NavoteƱo na naghahanap ng trabaho. Mayroon ding booths ang mga government agencies tulad ng SSS, PAG-IBIG, at PhilHealth para sumagot ng mga katanungan ng mga aplikante. (Richard Mesa)