Nakiusap na ‘wag naman silang bigyan ng isyu… DENNIS, umalma tungkol sa relasyon ni JENNYLYN sa kanyang mga magulang
- Published on January 12, 2026
- by @peoplesbalita
INALMAHAN ng award-winning actor at Kapuso Drama King na si Dennis Trillo ang bagong isyu na kinasasangkutan nila ng asawang si Jennylyn Mercado.
Tungkol ito sa kumalat na balita na hindi raw ang relasyon ni Jennylyn sa mga magulang ni Dennis.
Kamakailan nga ay napag-usapan nina Ogie Diaz at co-hosts sa YouTube vlog na “Ogie Diaz Showbiz Updates” ang naturang tsika na kalat na kalat na sa iba’t ibang media outlets at social media vlogs.
Sa isang Facebook post, tila sinagot ni Dennis tungkol sa isyu.
“Sa mga hindi po nakakakilala sa aking asawa , isa siya sa pinakamabuting tao sa buhay ko. Isang pribilehiyo na ako ang pinili niyang makasama habang buhay,” simula ng FB post ni Dennis.
Pagpapatuloy niya, “ang mga magulang ko naman ay may edad na po. Hindi din sila showbiz at tahimik lang sila na namumuhay… wag naman sana sila bigyan ng isyu.”
Ayon pa sa Kapuso actor, maayos ang samahan nila bilang pamilya…
“Mahal na mahal ko po silang lahat at maayos ang samahan namin kahit di man kami mandala’s nagkakasama dahil sadyang busy ang aning schedules.”
Dagdag pa ni Dennis, hinikayat niya ang publiko na magpokus na lamang sa pagiging mabuting tao.
“2026 na po, mag-focus nalang tayo sa pagiging mabuting tao. Madaming problema ang ating bansa na mas kailangan nating pagtuunan ng pansin.
Maiksi lang ang buhay, piliin natin maging masaya at mabuti araw araw,” say pa niya.
Kasama nito ang hashtag na #MagingMabutingTao.
Nagbigay rin ng pahayag ng pagtatanggol ang kanilang manager na si Becky Aguila.
“Not true…,” pahayag niya.
“Jen is the most genuine, sweetest, nicest, most loving, kindest, caring, respectful, generous and loyal alaga i have.
“I’ve personally seen and witnessed how she takes care of everyone.”
Dagdag pa niya, “It’s 2026. Spread love and joy! Wag ganyan. Dennis’s family is very private. Wag sila idamay.”
Ni-repost din niya ang FB ni Dennis at mayroon siyang paalala sa netizens…
“Fyi wla pa rin nakukulong sa flood issue.
“Mas pagtunuuan po natin ng pansin,” sabi pa ni Tita Becky.