• March 4, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagod nang manahimik sa natatanggap na online bullying… AWRA, patuloy ang pakikipaglaban ngayong 2026 sa transphobic at homophobic attacks

Inatake ng kilig nang maging houseguest ang Kapuso actor…
SOFIA, matagal nang inamin na crush na crush niya si MIGUEL

PATULOY ang pakikipaglaban ni Awra Briguela ngayong 2026 sa transphobic at homophobic attacks laban sa kanya on social media.

Nagsimula raw ito nang mag-viral ang reply ni Awra sa isang netizen na nanlait sa kanyang pisikal na anyo.

Agad namang naglabas ng saloobin si Awra at sinabing sa kabila ng mga pambabatikos at ilang homophobic attacks sa kanya, nanatili siyang tahimik dahil mas pinipili niya ang kapayapaan.

“You’ve all been bullying me online, picking on me every single day. You’ve been transphobic and homophobic toward me, yet you never hear anything from me in response. I chose peace. I chose to ignore everything, even though I was getting hurt every single day, despite not doing anything to any of you,” sey niya.

Double standard daw ang atake sa kanya tuwing dine-depensahan niya ang sarili laban sa mga bashers. Kaya pagod na raw si Awra na manahimik at kailangan na niyang ipagtanggol ang kanyang sarili sa online bullying.

“It’s 2026, yet so many of you still enjoy bullying someone who is trying to grow, improve, and redeem herself from past mistakes. I’m tired of being the bigger person. This year, I’m focusing on myself and my transitioning era. I promise myself that I will no longer give transphobes the freedom to bully me. One thing I should’ve done sooner was be meaner to those transphobes. I don’t care anymore. I will stand up for myself this time.”

Nakakuha ng suporta at papuri si Awra mula sa kanyang followers, pati na rin sa mga kilalang personalidad na kontra rin sa online bullying.

***

NOON pa man ay inamin ni Sofia Pablo na crush niya si Miguel Tanfelix.

Kaya noong sorpresahin siya sa loob ng Bahay ni Kuya nang maging houseguest ang Kapuso actor, inatake ng kilig si Sofia.

Na-cute-an ang netizens sa pagkakilig ni Sofia. Halos lahat daw ng sulok ng bahay ni Kuya ay napuntahan niya para magtago.

Kinailangan ng housemates na itago di Miguel sa kuwarto ng mga lalaki. Kasabwat din ang mga girls para i-distract si Sofia sa girls room habang nagtatago si Miguel sa likod ng kurtina sa pool side.

Kaya nang lumabas na si Sofia, nagulat siya nang makita niya si Miguel. Napatakbo palayo ang kinikilig na young actress.

“Sakto po Kuya, nag-retouch ako ng hair. Nahiya po ‘ko agad Kuya kasi nakita niya reaksyon ko. Sobra po talaga ‘yung pagka-crush ko.

“Uncontrollable po talaga ‘yung kilig ko Kuya, kaya nag-crash po talaga ‘ko sa beanbag,” natatawang confession ni Sofia na unang kinilig sa pinadalang

video greeting sa kanya ni Miguel.

***

AFTER five years, muling mapapanood as Shang-Chi ang Chinese-Canadian actor na si Simu Liu sa Marvel film na Avengers: Secret Wars na ipapalabas sa Dec. 2027.

Ayon sa 36-year old Marvel actor, mauuna raw muna ipalabas ang Avengers: Doomsday sa Dec. 2026. Pero nakapag-training na siya ulit at nakapag-shoot na ng ilang malalaking eksena.

“There’s not a whole lot to tease right now, other than I think, I sound like a broken record at this point, but it is happening. I was lucky enough to be a part of and will be lucky enough to be a part of Secret Wars.”

Nag-post sa social media si Liu na kasama ang ilang Marvel actors sa set ng Doomsday na sina Channing Tatum (Gambit), Chris Hemsworth (Thor), Paul Rudd (Ant-Man), Robert Downey Jr. (Dr. Doom), Anthony Mackie (Captain America), Vanessa Kirby (Invisible Girl) at Ebon Moss-Bachrach (The Thing).

Nagbida si Liu sa Marvel film na Shang-Chi and the Legend of the Ten Rings noong 2021 na kumita ng higit sa $432 million sa global box-office.

(RUEL J. MENDOZA)