• April 27, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kahit okay naman ang tambalan nila ni Paulo… KIM, ipa-partner muna sa ibang aktor sa next rom-com movie

AYOS naman ang tambalang KimPau nina Kim Chiu at Paulo Avelino.
Maganda naman ang rating ng teleserye ng dalawa na “The Alibi” na palabas pa rin hanggang ngayon.
Ang worldwide gross ng movie nila na “My Love Will Make You Disappear’ ay umabot naman sa higit 173 million.
But knowing Star Cinema na mahilig mag-experiment, balitang sa next movie ni Kim ay ipa-partner muna siya sa ibang actor.
Kaya’t pansamantalang babu muna ang tambalan nila ni Paulo na sinasabing matagal ng jowa na ng tsinitang aktres. Rom-com ang tema ng project na ito ni Kim na ididirek ng lady blockbuster director.
Sa usaping negosyo naman ay happy si Kim at kahit kabubukas lang ng kanyang House of Little Bunny sa SM City, Cebu ay malakas ito. Nag-o-offer kasi sila rito ng affordabe na signature bags.
At dahil hindi pa rin sila magkaayos ng kanyang Ate Lakam na kanyang kinasuhan ng qualified theft. Ipinaubaya ito ni Kim sa kanyang brother at sister.
Bumibisita na lang ang Kapamilya actress sa store, kapag wala siyang work.
***
BUKOD sa mga papuri at magagandang reviews para sa “Shake Rattle & Roll: Evil Origins” na entry film ng Regal Entertainment Inc. sa 51st Metro Manila Film Festival, patuloy itong tinatangkilik na showing pa sa 180 cinemas sa buong bansa.
Makikitang pinipilahan pa rin ang iconic horror film sa mga sinehan. Ibig sabihin ay marami talagang interesado na mapanood ang tatlong episodes ng SRR: Evil Origins na hindi lang punong-puno ng katatakutan kundi mangugulat at magpapakaba ang bawat eksena.
Kaya, kung hindi mo pa ito napapanood, watch ka na at tiyak na paghihinayangan mo kapag na-miss mo ito.
By the way, maraming kababayan natin sa abroad ang nag-aabang para mapanood ang SRR: Evil Origins na certified hit at no. 2 top-grosser sa 51st MMFF. Kaliwa’t-kanan pa rin ang block screenings nito hanggang ngayon.