• April 25, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Herbosa, itinanggi na naghahanap na si PBBM ng kanyang kapalit

ITINANGGI ni Health Secretary Teodoro Herbosa ang report na naghahanda na si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng kanyang magiging kapalit kasunod ng online reports na nagsasabing plano ng Chief Executive na yanigin ang kanyang gabinete kung saan maaapektuhan ang 9 na opisyal.
“There’s no truth to that,” ang sinabi ni Herbosa sa press briefing sa Malakanyang nang tanungin sa bagay na ito.
“I think Usec. Claire (Castro) already said yesterday that there is no revamp of the Cabinet. But, we in the Cabinet all serve at the pleasure of the President. So, if ever the President wants to replace me, that is the prerogative of our President,” aniya pa rin.
Nauna rito, sinabi ng Malakanyang na walang impormasyon sa ngayon ukol sa nababalitang rigodon sa Gabinete ni Pangulong Marcos.
Ayon kay Palace Press Officer and Communications Undersecretary Claire Castro na wala pa siyang natatanggap ng anumang impormasyon ukol sa posibleng Cabinet revamp, sabay sabing maaari aniyang tsismis lamang ito.
Sa kabilang dako, sinabi ni Herbosa na ipagpapatuloy niya ang kanyang paglilingkod at tupdin at gampanan ang kanyang mandato lalo na sa pagpapatupad ng zero-balance billing program at palawigin ang Bagong Urgent Care and Ambulatory Service (BUCAS) centers.
“I think we will continue to pursue the mandate of the President with emphasis on better care for all Filipinos,” ang sinabi ng Kalihim. ( Daris Jose)