• April 27, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Guarantee letter, hindi aplikable sa mga DOH hospitals sa gitna ng ipinatutupad ng zero balance billing- DoH

SINABI ni DOH secretary Ted Herbosa na hindi aplikable ang guarantee letter sa mga pampublikong pagamutan na saklaw ng zero balance billing program ng gobyerno.
Sinabi ni Herbosa na hindi kailangan ng endorsement ng pulitiko para maka- avail sa zero balance billing ang mga nangangailangan ng serbisyong medikal .
Aniya, ang kailangan lang gawin para wala ng bayaran ay magtungo lang sa social worker unit ng ospital o kaya ay sumadya sa tanggapan ng director ng isang DOH hospital.
Sa kabilang dako, maaari pa rin naman aniyang dumulog sa mga pulitiko ang isang nangangailangan ng medical assistance pero ang iiisyung endorsement ng mga ito ay para sa mga pribadong ospital na.
Samantala, sinabi ni Herbosa na palalawakin pa aniya ang zero balance billing program ng Administrasyon gayung ibaba din aniya ito sa mga Local Government Units. ( Daris Jose)