• April 27, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Malakanyang, idineklara ang Enero 9 bilang Special Non- Working Day sa Maynila para sa Kapistahan ng Itim na Nazareno

IDINEKLARA ng Malakanyang ang araw ng Biyernes, Enero 9, 2026, bilang special non-working day sa Lungsod ng Maynila upang masiguro ang maayos na pagdiriwang ng Kapistahan ng Itim na Nazareno.
Sa ilalim ng Proclamation No. 1126, nilagdaan araw ng Lunes, Enero 6, sinabi ng Malakanyang na milyong mga deboto ang inaasahan na daragsa sa Quiapo Church at sa Lungsod ng Maynila sa panahon ng Kapistahan ng Itim na Nazareno sa araw ng Biyernes, Enero 9.
Tinukoy ng proklamasyon ang kahilingan ng Lungsod ng Maynila na ideklara ang Enero 9 bilang isang special non-working day upang masiguro ang maayos na prusisyon ng mga deboto at para mapadali ang daloy ng trapiko.
“Now, therefore, I, Ralph G. Recto, Acting Executive Secretary, by authority of the President, Ferdinand R. Marcos Jr. do hereby declare Friday, 09 January 2026, a special (non-working) day in the City of Manila,” ang nakasaad sa proklamasyon. ( Daris Jose)