• April 27, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

GSIS Survivorship Pension para sa mga asawa, ipinanukalang itaas ng 100%

NAIS ni SSS-GSIS Pensyonado Partylist Rep. Rolando Ledesma Macasaet
na itaas ng 100% ang GSIS Survivorship Pension para sa mga asawa.
Layon ng House Bill 7009 na palakasin ang financial protection ng surviving spouses ng mga government pensioners.
Pinaaamyendahan nito ang Republic Act No. 8291, o Government Service Insurance System (GSIS) Act of 1997, sa pamamagitan nang pagtataas sa survivorship pension ng qualified spouses mula sa kasalukuyang 50% sa 100% sa basic monthly pension.
Ang survivorship pension ay ang buwanang benepisyo para sa legal spouse ng yumaong member o pensioner, bilang kapalit sa nawalang income sa pagkawala ng miyembro.
Sa ilalim ng Social Security System (SSS), ang benepisyo ay kasing halaga sa buong monthly pension, samantalang sa GSIS, ang surviving spouses ay nakakatanggap lamang ng kalahati.
“The SSS grants 100 percent of the basic monthly pension for survivorship pensioners. There is no reason why GSIS pensioners’ families should receive less protection than their counterparts in the private sector,” ani Macasaet.
Kinikilala ng panukala ang balo ng namatay na GSIS member o pensioner.
Sinabi ng mambabatas na ang kasalukuyang survivorship benefit, sa kabila na nakakatulong ay hindi supisyente para masiguro na mabibigyan ng stable quality ang buhay sa naiwang beneficiaries.
(Vina de Guzman)