• April 27, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sa ngayon, “No Cabinet revamp”- Malakanyang

SINABI ng Malakanyang na walang impormasyon sa ngayon ukol sa nababalitang rigodon sa Gabinete ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon kay Palace Press Officer and Communications Undersecretary Claire Castro na wala pa siyang natatanggap ng anumang impormasyon ukol sa posibleng Cabinet revamp, sabay sabing maaari aniyang tsismis lamang ito.
“Wala pa po tayong natatanggap na anumang balita. Baka may nagpapakalat pero as of now, wala po,” aniya pa rin.
Gayunman, nagpapatuloy naman ang performance evaluation sa lahat ng Cabinet officials.
“Yes at sabi nga natin, we are making our performance at the discretion of the President,” ang winika ni Castro.
“So, depende na po ‘yan kung ano po ang makikit ng Pangulo pero as of now, wala po tayong nababalitaan, wala pong ipinararating na magkakaroon po ng Cabinet revamp,” aniya pa rin.
Matatandaang, buwan ng Mayo nang manawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa courtesy resignation ng Cabinet secretaries, na may layuning i-“recalibrate” ang kanyang administrasyon matapos ang midterm polls.
““It’s time to realign government with the people’s expectations,” sabi ni Marcos sa isang press release na inilabas ng Presidential News Desk.
“This is not business as usual,” saad ng Pangulo. “The people have spoken, and they expect results—not politics, not excuses. We hear them, and we will act,” pagpapatuloy niya.
Ang kanyang kahilingan para sa courtesy resignations ay para mabigyan ang Pangulo “to evaluate the performance of each department and determine who will continue to serve in line with his administration’s recalibrated priorities.”
“This is not about personalities—it’s about performance, alignment, and urgency. Those who have delivered and continue to deliver will be recognized. But we cannot afford to be complacent. The time for comfort zones is over,” saad ni Marcos.
Ayon pa sa Presidential Communications Office, ang hakbang na ito ay nagmamarka ng isang “clear transition” mula sa unang bahagi ng pamamahala patungo sa isang mas tutok na pagkilos, na nakatuon sa performance.
Bagama’t marami ang naglingkod nang may dedikasyon at propesyonalismo, kinakailangan ng nagbabagong pangangailangan ng bansa ang panibagong paghahanay, mas mabilis na pagpapatupad, at kaisipang una muna ang resulta, ayon sa Pangulo.
Sa gitna nito, sinabi ng PCO na hindi naman titigil ang mga serbisyo ng gobyerno samantalang gagabayan ng katatagan, katuluyan, at meritokrasya ang pagbuo ng kaniyang leadership team. ( Daris Jose)