Hindi naman mapipigilan kung magiging sila DUSTIN, inamin na humanga kaya na-in love kay BIANCA
- Published on January 7, 2026
- by @peoplesbalita
MATALIK na magkaibigan sina Dustin Yu at David Licauco.Ibinahagi ni Dustin, sa Youtube channel ni Karen Davila, kung paano siya natulungan ni David sa iba-ibang aspeto ng buhay, maging sa pagnenegosyo.“Noong time na magkakilala na kami, nag-i-start na siyang mag-business.“Nagpapadala siya ng food sa set, tapos ako parang wow ang galing nito, artista tapos may business. Noong time na yun nag-i-struggle ako financially. Gusto kong kumita nang kumita.“Naging close kami ni David tapos lagi na ako sumasama sa kanya sa meetings niya.“Lagi niya ako sinasama sa restaurant niya. Hindi niya alam, inaalam ko na lahat. Kapag wala siya sa restaurant niya, pumupunta ako, kinakausap ko managers niya, pumupunta ako sa kitchen, inaaral ko na lahat.“May isang beses napag-usapan namin, ‘Bakit hindi tayo magnegosyo, tulungan kita’, sabi ni David. ‘Pero hahayaan lang kita, tutulungan lang kita, tuturuan kita, hahayaan kita, hindi tayo magkasosyo kasi mag-aaway tayo’.“Siya yung nagbukas sa akin ng chicken stall. Siya yung tumulong sa akin doon. Sabi niya sa akin, alam mo kailangan mo na maghanap ng stable income o kaya passive income. Kumuha ka ng location, maghanap ka, mag-ikut-ikot ka.“Tinuruan niya na ako paano mag-marketing, paano mag-handle ng tao, paano kumausap ng suppliers.”At bukod sa pagne-negosyo, ayon pa rin kay Dustin, mas lumalim ang friendship nila ni David.“‘Yung friendship namin, hindi lang siya mababaw. Ang dami rin naming pinagdaanan, ang dami rin naming similarities. Si David parang kapatid ko na rin talaga siya, ang dami niyang natulong sa akin, sa business, sa love, sa career.”Nagsimula ang friendship ng dalawa noong nagkasama sila sa mga proyekto sa GMA tulad ng ‘Pulang Araw’ at ‘Mano Po Legacy: The Family Fortune.’Nasa main cast si Dustin ng ‘Shake Rattle & Roll: Evil Origins’ na official entry sa 51stt Metro Maila Film Festival ng Regal Entertainment, Inc.Bida rin si Dustin sa ‘Love You So Bad’ kasama sina Bianca de Vera at Will Ashley na part din ng MMFF na balitang extended pa hanggang January 14 ang showing ng lahat ng entries.And speaking of Bianca, natanong ni Karen kung na-in love ba siya sa ka-loveteam.Sagot ng young actor, “alam naman ng lahat ng tao na napahanga ako ni Caca (Bianca), kaya oo naman Ms. Karen, hindi naman ‘yun maitatanggi.”Pero sa ngayon ay close friends pa rin sila at naniniwala si Dustin, kung darating ang panahon na magiging sila, ay hindi nila ‘yun mapipigilan o mapipilit.Lahad pa ni Dustin, “kung darating, darating talaga. And it takes two people to be in a relationship, biglaan na lang yan Ms. Karen, parang boom!”(ROMMEL L. GONZALES)