• April 27, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

After ‘Manila’s Finest’, mapapanood naman sa ‘Andoy’… CEDRICK, itinangging siya ang dahilan kaya nag-back out si KATE sa sexy play

PINABULAANAN ni Cedrick Juan ang napabalita na isa raw siya sa dahilan kung bakit nag-back out si Kate Alejandrino sa sexy play na ‘Anino sa Likod ng Buwan.’
“No. Hindi po ako,” umpisang bulalas ni Cedrick.
“I think it’s a personal decision and at the same time, it’s a decision of Idea First Company to really cast the right actor na kailangan po nila.
“Ganun naman ang casting. It’s not only about the skills that you can give, it’s really yung proper casting na nakikita and visually ng director din, aside from yung skills,” paglilinaw ni Cedrick.
Pagdating sa projects, hinahayaan ni Cedrick ang misis niyang magdesisyon kung alin o ano ang pipiliin nito?
“Well, siyempre sa ngayon po 6 months pa lang yung baby namin, para sa akin, it’s more of parang sanity.
“Kung kaya na niya, maybe she can work from time to time, minsan meron siyang mga projects na tinatanggap.
“Pero I think ang mahalaga sa ngayon is yung recovery, kasi very important po yun lalo na sa postpartum stage ng mga mommies and iyon po yung goal, to recover and eventually, siyempre nandyan naman yung lagi yung pagiging aktor namin ni Kate.
Ikinasal last February 25, 2025 sina Cedrick at Kate, kamusta naman si Cedrick bilang isang family man.
“Ayos naman po. I think married life naman always challenging in a good way. I think it’s parang ever-growing development naman ng dalawang nagsasama sa isang married life.
“Ganun naman siya and siyempre may another blessing pa with our baby boy. So always exciting, always challenging, but always worth it,” pahayag pa niya.
Kasama si Cedrick sa ‘Manila’s Finest’ na patuloy na napapanood bilang bahagi ng 51st MMFF.
Mapapanood soon si Cedrick sa “Andoy,” isang psychological/torture/horror film na kung saan kasama sina Jennica Garcia, Albie Casiño, Angelica Lao, Victor Relosa, Paolo Gumabao at Aya Fernandez.
Mula ito sa Wonderlust Films, ang pelikula ay magsisilbing feature length directorial debut ni Mark Putian, na kilala sa mga short films at music video.
Paano napa-oo si Cedrick na gawin ang ‘Andoy’?
“Siguro ever since lalo na lang nandun pa ako sa first management na Idea First Company kina direk Jun Lana and direk Percy, every time na mag-uusap kami na parang kung ano yung dream ko na gawin na role, ang alam ko naalala ko na unang kong nabanggit sa kanila na film, yung Split, yung kay James McAvoy.”
Ang ‘Split’ ay ang 2016 psychological thriller film ng director na si M. Night Shyamalan at pinagbidahan ni James.

(ROMMEL L. GONZALES)