ICI panatilihing buhay, panawagang ng mambabatas
- Published on December 30, 2025
- by @peoplesbalita
NANANAWAGAN ang isang mambabatas na panatilihing buhay ang Independent Commission for Infrastructure (ICI) at magtalaga ng dalawang komisyoner.
Ayon kay Manila Rep. Rolando Valeriano, hindi pa tapos ang trabaho ng ICI.
Aniya, hindi pa natatalakay ng ICI ang P774-million Sunog Apog Pumping Station corruption scam.
Hinikayat nito si Presidente Marcos na panatilihang buhay ang ICI at magtalaga ng dalawang komisyoner.
Mas makabubuti rin aniya na ang itatalagang bagong commissioners ay nasa kanilang 40s at 50s, upang kayanin ang stress na kaakibat sa trabaho sa ICI.
(Vina de Guzman)