Maraming makaka-relate sa kanyang online series… BOSS TOYO, ipinakilala na ang bagong superhero na si Raket Man
- Published on December 26, 2025
- by @peoplesbalita
ISANG bagong lokal na superhero ang ipinakilala ni Boss Toyo, si Raket Man, na kanyang gagampanan sa online series na siya ring lumikha.
Ibinahagi ng content creator at producer ang kuwento sa likod ng proyektong hugot sa tunay na buhay at karanasan ng karaniwang Pinoy.
Ayon kay Boss Toyo, umiikot ang istorya ng Raket Man sa isang tipikal na Pilipino na marunong dumiskarte para mabuhay.
“Tungkol ito sa typical na Pilipino na katulad natin na mahilig rumaket. Pag sinabing raket, diskarte sa buhay at trabaho para kumita,” paliwanag niya.
Mula sa pagiging ordinaryong mamamayan, magkakaroon ng kakaibang kapangyarihan ang kanyang karakter dahil, ani Boss Toyo, mabuti rin siyang tao at mahilig tumulong, nabigyan siya ng super power, hanggang tinawag ko yung sarili niya na Raket Man.
Hindi lang daw aliw ang layunin ng series, kundi pati makabuluhang mensahe.
“Marami dito ang makaka-relate, lalo na yung mga nagtatrabaho, may family values at tumutulong sa kapwa. Bawat Pilipino ay makaka-relate sa series na ito.”
Ibinahagi rin ni Boss Toyo na inspirasyon niya ang mga klasikong Pinoy superheroes.
“Alam naman natin, dati andiyan sila Lastikman, Darna, Panday—pero parang matagal nang walang bagong superhero na lumalabas, Kaya naisip ko, ‘Bakit hindi ako gumawa ng bagong mamahalin ng Pinoy?’”
Makakasama ni Boss Toyo sa Raket Manang iba’t ibang social media personalities, kabilang ang kanyang asawa na si Joy, pati sina Princess Tan, Princess Loreto, Kiko Matos, Armando, Prof. Rudy, Mami Gangster, Maria Tings, at marami pang iba.
Si Boss Toyo mismo ang gumawa ng kuwento ng series, habang ang script ay isinulat ni Rodfield ng Muy Muy Palaboy. Co-director niya sa proyektong ito si Brian Kierdyne at editor si Louie Ong.
Sa ngayon, wala pa raw plano para sa theatrical release ng Raket Man.
“Testing the waters pa lang ito, sinusubukan ko lang muna,” sabi ni Boss Toyo.
Gayunman, may malaki nang plano ang producer online series.
“Hindi lang ito season 1, kasi naka-plot na ito hanggang season 5,” lahad niya.
Bukod sa pagiging producer ng ‘Raket Man’, kilala rin Boss Toyo bilang isang kolektor.