• September 19, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Will, mahusay ang pagganap sa Bar Boys: After School CARLO, ipinagdarasal na magka-baby na sila ni CHARLIE sa 2026

KUWENTO ng isa sa lead stars ng Metro Manila Film Festival 2025 entry na “Bar Boys: After School”, ipinagdarasal nila ng kanyang asawa na si Charlie Dizon magkaanak na sila sa 2026. “Nagta-try kami and praying na sana mapagbigyan,” pahayag ni Carlo. “Siyempre magta-try kami, pero nasa Kanya pa rin yung ultimate decision kung bibigyan niya kami ng blessing na ganu’n. “Pero nagdarasal kami na sana talaga mabigyan kami next year.” Sey pa ni Carlo, handang-handa na sila ni Charlie para sa kanilang first baby. “Ako rin talaga ready na. Wala namang gender preference, basta healthy. Although siyempre, nandiyan na si Mithi so sana magkaroon ng boy. “Pero whatever, kung ano yung maging blessing sa amin, tatanggapan din namin at mamahalin namin,” sey pa ni Carlo na muling nagpamalas ng kahusayan sa ‘Bar Boys: After School’ na showing na sa December 25. Bida rin sa movie sina Rocco Nacino, Enzo Pineda at Kean Cipriano na pawang mahuhusay sa kanilang pagganap. Ka-join din nila sina Odette Khan, Will Ashley, Glaiza de Castro, Sassa Gurl, Klarisse de Guzman at Emilio Daez. As expect, mahusay si Ms. Odette na naging sentro ng istorya, na naging dahilan sa pagri-reunion ng apat. Kapansin-pansin din ang pagganap ni Will, kaya siguradong mapapansin and wish namin na manalo siyang best supporting actor. Mula sa direksyon ni Kip Oebando ang ‘Bar Boys: After School’ produced ito nina Leo Liban, Carlos Ortiz, and Jon Galvez para 901 Studios. At sa mga napanood namin sa MMFF Premiere Nights kasama ito sa top 3 films na nagustuhan namin, ang dalawa pa ay ‘I’mPerfect’ at ‘UnMarry’, na kung saan top contenders din ang cast nila sa acting awards. Kaabang-abang ang mga magwawagi sa awards night na magaganap sa Dusit Thani Hotel sa December 27.(ROHN ROMULO)