3 LALAKI NA NAKASUOT NG BALACLAVA, SINITA
- Published on November 30, 2025
- by @peoplesbalita
TATLONG lalaki ana sakay ng isang van patungong Luneta ang sinita ng mga awtoridad dahil sa pagsusuot ng ‘balaclava’ .
Ayon sa pulisya, napansin ang tatlong lalaki na nakabalot ang mula o may suot na balaclava at nakasuot din ng vest na may tatak na ‘Press’.
Paliwanag ng MPD na sumita sa mga lalaki, ipinagbabawal na sa Maynila ang pagsusuot ng balaclava kung bakit malaya pa nila itong ginagawa.
Nagpakilala ang tatlong lalaki na contributors ng isang freelance media na pinopondohan umano ng hindi pinangalanang non-government organization.
Samantala, isang naka-mask na lalaki rin ang naharang at nasita sa Recto Avenue kung saan idinaraos ang Trillion Peso March ng mga rallyista .
Bukod dito, nakumpiska rin sa lalaki ang dalang ‘chako’ na aniya ay ginagamit niya bilang pangdepensa.
Nilinaw din ng lalaki na hindi siya kasama o wala siyang partisipasyon sa nagaganap sa inorganisang malaking rally ngayong araw.
Ikinasa ang Trillion Peso March nitong Nobyembre 30 , Linggo kung saan nagtipon-tipon ang ilang rallyista sa Luneta, Morayta at kahabaan ng Recto Avenue.
Hindi na pinayagan pa ng mga awtoridad na makarating ng Mendiola ang mga rallyista dahil sa barikada ng mga pulis at inilagay na barb wire ilang metro bago makatuntong sa paanan ng Mendiola.
Ayon kay Glecy Naquita, ang Convenor ng MANLABAN o Mangaggawa Laban sa Bulok na Sistema, Pribatisasyon at Korapsyon na kailangang mapanagot ang lahat ng sangkot sa korapsyon .
Hinaing ng grupo ang walang habas na korapsyon sa bansa na lalong nagpapahirap sa mga ordinaryong mamamayan dahil sa bulok na sistema ng pamamahala.
Kapansin-pansin din ang pagsusuot ng maskara na may mukha ng ilang lider ng bansa at kadena sa leeg at kamay na sumisimbolo umano ng mga sabwatan ng mga oligarko.
Makikita ang mukha ng bise presidente Sara Duterte na aniya ay kaalyado si Manny Villar habang si Pangulong Bongbong Marcos ay kaalyado naman ni Ramon Ang at Aboitiz .
Paliwanag ni Naguita, sa ginagawang privatization ng ilang mga lider ng bansa at ng mga oligarko sa mga kumpanya, nawawalan ng pag-asa ang mga manggagawa .
Isa lamang dito ang privatization ng NAIA dahil sa P900 bilyong midnight deal .
Alas 10:30 ng umaga ng dumating ang grupo ng MANLABAN sa Recto Avenue na mga nagmartsa mula sa Morayta at EspaƱa.
Nagsagawa sila ng programa kung saan naglagay sila ng entablado sa gitna ng Recto .
Bago nito, magkaroon muna ng diskusyon sa pagitan ng mga rallyista at mga pulis dahil hinahanapan sila ng kanilang permit ngunit aplikasyon lamang ang kanilang naipakita.
Sa kanila nito, pinagbigyan na rin ng MPD ang grupo upang maihayag ang kanilang hinaing ng hanggang mamayang ala-una ng hapon.(Gene Adsuara)