PBBM, pinuri ang loyal service ng AFP, nangako ng full support para sa security efforts
- Published on November 30, 2025
- by @peoplesbalita
MULING pinagtibay ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kanyang buong suporta para sa Armed Forces of the Philippines (AFP), pinuri ang walang tigil na pagsisikap para mapangalagaan ang mga komunidad at panatilihin ang kapayapaan sa iba’t ibang panig ng bansa.Inihayag ng Pangulo ang pagtiyak niyang ito sa kanyang naging pagbisita sa Western Mindanao Command (WESMINCOM) sa Zamboanga City, kung saan nakatanggap siya ng security briefing sa pinakabagong developments sa Zamboanga Peninsula at mga kalapit na lugar.Sa kabilang dako, isang video ng pagpupulong ang ibinahagi ng state-run Radio Television Malacañang (RTVM) sa isang Facebook post, araw ng Sabado.Sa nasabing briefing, pinuri naman ng Pangulo ang operational accomplishments ng WESMINCOM, sabay sabing ipagpapatuloy ng kanyang administrasyon na bigyan ng kinakailangang resources at policy support ang AFP para mapanatili ang kasalukuyang ‘peace and order initiatives.’Binigyang diin na ang pagpapalakas sa inter-agency security coordination ay nananatiling prayoridad upang masiguro ang katatagan sa Western Mindanao, na nag-host ng ilang critical security operations dahil sa tuloy-tuloy na banta mula sa mga kriminal at extremist groups.Binigyang diin ang kahalagahan ng pagpapanatili sa high morale sa loob ng military, sinabi na nananatili ang gobyerno sa pangako nito na paghusayin ang kapakanan ng mga tropa, operational capabilities, at overall readiness, ang sinabi ng Presidential Communications Office (PCO).“Ipinahayag din ni PBBM sa mga opisyal at sundalo ang buong suporta at pasasalamat ng pamahalaan sa kanilang patuloy at tapat na serbisyo,” ang sinabi pa rin ng PCO.Biyernes ng gabi, nag-host ang Pangulo ng isang traditional dinner sa Palasyo ng Malakanyang para sa miyembro ng AFP Council of Sergeants Major.Sa nasabing pagtitipon, hinikayat ng Pangulo ang military na manatiling nagkakaisa at nakapokus sa mandato na protektahan ang bansa sa gitna ng pagtatangka na maghasik ng pagkakahati-hati sa pamamagitan ng ‘misinformation at disinformation.’(Daris Jose)