Happy and grateful na nagbabalik sa SRR: Evil Origins: MANILYN, puwede talaga na maituring bilang isang Horror Queen
- Published on November 30, 2025
- by @peoplesbalita
KUNG meron man talagang puwede ring ikonsidera bilang Horror Queen, iyon ay si Manilyn Reynes.
Maituturing na isa sa mga pioneer ng “Shake Rattle and Roll”, classic favorite ang ‘Aswang’ episode ni Manilyn noong 1990 kasama sina Ana Roces, Rez Cortez at Richard Gomez.
At ngayon na nagbabalik ang Regal Entertainment para sa kanilang Metro Manila Film Festival entry sa December 25 ang “SRR: Evil Origins” ay kasali si Manilyn.
Star-studded horror movie with stars na sina Richard Gutierrez, Ivana Alawi, Carla Abellana, Janice de Belen, Fyang Smith, JM Ibarra, Seth Fedelin, Francine Diaz at marami pang iba.
Dati na ring nakasama ni Manilyn si Richard Gutierrez.
“Nakatutuwa na four year old pa lang yata si Richard nakasama ko na siya sa Shake,” bulalas ng aktres.
Year 2006 pa ang huling SRR ni Manilyn kaya labis ang tuwa at pasasalamat niya.
“Naku, maraming salamat!
“Siyempre, lagi po akong grateful sa Regal Films dahil nagsimula doon sa Aswang na yun sa Shake, Rattle & Roll II hanggang nag-3, 4, 5 and 8 and then ngayon dito sa Evil Origins kasama ako.
“Thankful ako dahil sa tuwing nakakausap ko itong mga kabataang ito [sa pelikulang bago], sinasabi talaga nila na iyong Aswang nga raw ang natakot sila nang sobra.”
Kuwento pa ni Manilyn na siya rin ay sobrang natakot noon habang ginagawa niya ang ‘Aswang.’
“Kapag umuuwi ako, parang feeling ko, sinusundan ako ni Tito Rez,” kuwento ni Manilyn.
At sa bago nilang “SRR: Evil Origins” ay kinilabutan daw si Manilyn sa first shooting day nila dahil nanariwa sa kanya ang panahon noong una siyang gumawa ng SRR.
Ang unang episode nito ay may titulong ‘1775’vna idinirehe ni Shugo Praico;
ang 2nd episode na ‘2025’vay idinirehe ni Ian Loreños at ang 3rd episode na ‘2050’ naman ay sa direksyon ni Joey de Guzman.
***
“AKO po if ever this doesn’t work like yung artistry ko, my pagiging individual artist, I plan to help other artist na lang po thru production,” bungad na pahayag ng female singer na si Isha Ponti.
“Passion ko na po talaga ever since nung bata po ako na sumali sa mga council and maging staff ng production so yeah, I’m drawn to it ever since”, sinabi ni Isha.
Kaninong career ng isang celebrity ang nais sundan o marating ni Isha?
“Recently po kasi nanood ako ng Filipino music awards and one artist which struck me the most is Maki.
“But the thing is it’s different from Maki, e. His concepts, his field is different po from mine.
“Kasi po lumaki ako sa mga old songs and hindi po talaga ako makagawa nung ganung style ng songs.
“But I’m trying right now because that’s what I wanted, eh. So iyon po, si Maki.
”He’s amazing!”
Gaganapin sa December 13 sa Music Museum ang “The Next Ones” na major concert nina Isha (Asia’s Pop Sweetheart) at Andrea Gutierrez (Bossa Nova Princess) kung saan ang isa sa mga espesyal na panauhin ay si Rey Valera.
Ano ang mga natutunan ni Isha mula kay Rey na ilang beses na rin niyang nakasama in the past sa mga shows?
“Okay, sobrang cliché pero he keeps on saying this; ‘Tuloy mo lang iyan!’
“Puro ganun lang po siya, ‘Tuloy mo lang iyan.’
“Kasi it’s that simple pero may impact po talaga siya sa akin kasi nga… I mean hindi lang po sa akin, even if other people heard it, tuloy mo lang iyan, it’s such a big impact becasue wala e, when life hits you or may obstacles sometimes we tend to stop and wala, hindi na natin itutuloy.
“Pero siya sa phrase niya na ‘Ituloy mo lang iyan’, it kept me going.
“In terms of songwriting naman po kasi si Sir Rey talagang ano po siya sa akin, e.
“Lagi niyang sinasabi sa akin, ‘I-send mo sa akin, i-send mo sa akin yung mga ginawa mo para ma-polish natin’.
“Tapos yung mga sinasabi niya po sa akin was, ‘Okay iyan, basta yung message ng kanta lagi mong iisipin na may sense’.”
Produced ng Ponti Entertainment Production at sa direksyon ni Calvin Neria, mga special guest din sa show sina Aquila Packing Nathan Randal, Graciel Hizon, at Raymond Gorospe.
Available ang tickets sa https://premier.ticketworld.com.ph/shows/show.aspx?sh=NEXTONES25.
(ROMMEL L. GONZALES)