• December 1, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: December 1, 2025
    Current time: December 1, 2025 8:32 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Binatilyo, nagulungan habang tumatawid sa Tondo

NASAWI ang isang 13-anyos na binatilyo nang nagulungan ng tractor head habang tumatawid sa kalsada sa Tondo, Manila kamakalawa ng hapon.

Sa mismong pinangyarihan ng insidente nalagutan ang biktima na si Amado Del Prado y Nacua, estudyante ng PC8 Area GK Compound, Tondo.

Nasa kustodiya na ng Manila Police District (MPD) ang driver ng tractor head na may trailer na may plate no. ABJ 9923 na minamaneho ni Pedro Operio y Olicia ng 89 M Sioson St., Malabon City.

Sa ulat ni PSSgt Ardee Bautista ng Manila Police District (MPD) homicide section, naganap ang insidente bandang alas-2:35 ng hapon kung saan pansamantalang tumigil ang minamanehong trailer truck ni Operio sa kahabaan ng Mel Lopez Boulevard sa panulukan ng Espanola St., Tondo, Manila upang nag-refill ng tubig sa radiator ng sasakyan ang kanyang helper.
Matapos nakapag-refill, pinaandar ng driver ang kanyang sasakyan na nagresulta sa pagkakabangga ng biktima na noon ay papatawid sa kalsada patungong East to West direction na nagresulta sa kanyang agarang kamatayan . (Gene Adsuara)