• December 1, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: December 1, 2025
    Current time: December 1, 2025 8:31 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bebot, tigbak sa trailer truck sa Malabon

NASAWI ang 26-anyos na bebot nang mahagip at magulungan ng rumaragasang trailer truck sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

Dead-on-arrival sa Tondo Medical Center sanhi ng tinamong pinsala sa katawan ang biktimang si alyas “Alaiza”, ng Sitio 6, Brgy. Catmon.

Nahaharap naman sa kaukulang kaso ang driver ng trailer truck na si alyas “Rodolfo”, 56, ng J.P. Rizal St. Tondo Manila habang na-impound na rin ang tractor head at hila nitong trailer na walang laman.

Sa ulat nina P/MSg Bernardo Bernal at P/MSg Raymond Siatrez ng Malabon Police Sub-Station 4 kay Malabon Police chief P/Col. Allan Umipig, dakong alas-6:15 ng gabi nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Gov. Pascual Avenue, Brgy. Catmon.

Lumabas sa imbestigasyon ni PSSg Anthony Codog, habang naglalakad ang biktima sa nasabing lugar nang mahagip at magulungan ng trailer truck na may plakang (NDJ5017) at minamaneho ni ‘Rodolfo’.

Matapos ang insidente, isinugod ang biktima sa nasabing pagamutan nang nagrespondeng rescuers ng Malabon Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) subalit, hindi na umabot ng buhay.
(Richard Mesa)