• November 30, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: December 1, 2025
    Current time: December 1, 2025 7:56 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

120 PAMILYANG NAVOTEÑOS, MAGPA-PASKO SA BAGONG BAHAY

MAGPA-PASKO sa kanilang bagong bahay ang 120-pamilya na dating naninirahan sa mga baybaying dagat at tabing ilog sa Navotas City matapos ilipat na ng National Housing Authority (NHA) at Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) ang pamamahala sa housing project sa pamahalaang lungsod.

Agad pinasinayahan nina Navotas Mayor John Rey Tiangco, Congressman Toby Tiangco, NHA chief Joeben Tai, at DHSUD Usec. Henry Yap ang limang palapag na NavotaAs Homes 3 sa Brgy. Tanza 1 Sabado ng umaga para masimulan na ang paglilipat sa mga kuwalipikadong benepisyaryo na naninirahan sa mapanganib na lugar.

Ayon kay Mayor Tiangco, layunin nilang mailipat sa ligtas at kaaya-ayang tirahan ang libo-libong pamilyang Navoteño na nasa mga mapanganib na lugar sa pamamagitan ng pagkakaloob ng limang ektaryang lupa sa Tanza 1 na tatayuan ng 24 na low-rise building na kayang matirahan ng 1,440 pamilya.

Pinayuhan naman ni Rep. Tiangco ang mga benepisyaro na panatilihing malinis, ligtas, at disente ang kanilang tirahan na may labahan, service area, naka-tiles na palikuran, kitchen, at puwedeng lagyan ng dalawang silid at sala.

Sa kasalukuyan, may anim na in-city housing projects ng pinangangasiwaan ang Navotas na nagsisilbing tirahan ng mahigit 3,000 pamilya na dumaan muna sa drug testing bago makalipat.

Ayon sa mga opisyal ng lungsod, pinalalakas ng pinakabagong turnover ang pangmatagalang layunin ng Navotas na bumuo ng mas ligtas at mas matatag na komunidad para sa mga residente nito. (Richard Mesa)