• November 30, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: December 1, 2025
    Current time: December 1, 2025 7:56 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Big honor na sila ang magsi-set ng mood: CARLA, aminadong may pressure na sila ang first episode ng ‘SRR Evil Origins’

BALIK ‘Shake Rattle & Roll’ si Carla Abellana na this time ay bibida sa first episode na “1775” ng ‘SRR: Evil Origins. ‘
Kasama si Janice de Belen na suki rin ng iconic franchise horror film, Loisa Andalio, Ysabel Ortega, Arlene Muhlach and many more.
Si Shugo Praico ang director ng episode na ito. Carla will be played the role of nanny, at may twist ang pagiging isang madre niya rito.
And Carla admits, na may pressure sa kanya na sila yung first episode na magsisimula ng movie.
But at the same time ay malaking karangalan o honor daw ito for her.
“It’s an honor, siyempre, to start the film, nando’n po yung pressure po talaga.
“I believe, personally ang pressure po siguro would be the first episode and the third, yung wrap-up” sey pa ng pretty actress.
Dagdag pa niya, “ang maganda kasi magse-set na po kami kaagad ng mood, ‘yung vibe po ng aming episode na 1775.”
Base sa trailer ng ‘SRR: Evil Origins’ ay ang husay ng performance ni Carla sa movie.
By the way, mapapanood naman sa second episode na “2025” ang dalawang pinakasikat na loveteam ng bagong henerasyon na sina Francine Diaz at Seth Fedelin and Fyang Smith & JM Ibarra, kasama sina Althea Ablan, Sassa Girl at sa direksyon nj Joey de Guzman.
Sina Richard Gutierrez at Ivana Alawi ang mga pangunahing bida, kasama ang Reyna o Prinsesa ng SRR na si Manilyn Reynes kasama sina Dustin Yu at Sarah Edwards para sa third episode na “2050” under the direction of Ian LoreƱos.
This an official entry to the 51st Metro Manila Film Festival. At magsisimulang ipalabas sa December 25.

***

SOBRANG dismayado nga ang fans and supporters ni Jolina Magdangal sa napanood nilang halos daanan lang daw ng camera ang exposure nito sa bagong teleserye ng ABS-CBN.
Well proven na guest o special participation lang ang part ni Jolina sa seryeng ito ay dapat dahil may pangalan naman ay hinabaan naman ang exposure ng singer-actress lalo’t matagal na ito sa kanyang mother network at isa siya sa mga original na artista rito simula pa noong 90’s.
Saka wala na ba kayong role na pwedeng ibigay kay Jolens? Eh hindi rin naman ito pahuhuli sa malalaking artista ng Kapamilya network pagdating sa aktingan.
Remember, maliban kay Claudine Barreto ay naging mahigpit rin siyang naging karibal ni Judy Ann Santos.
Well, matagal ng balita yang pang-aaping ginagawa raw ng Kapamilya Network kay Jolens.
Kalokah, maging sa ‘Lavender Fields’ noon ay so-so lang din ang role ng said comedianne actress.
May nagpa-power tripping bang top executive sa wifey ito ni Mark Escueta? Just asking lang po!

(PETER LEDESMA)