• December 1, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: December 1, 2025
    Current time: December 1, 2025 9:14 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBMM, nangako ng mas matibay na suporta para sa mga makabagong proyekto sa renewable energy

NANGAKO si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nitong Martes na mas palalakasin pa ng pamahalaan ang suporta para sa mga proyekto sa renewable energy at clean technology sa bansa.

Ipinahayag ito ng Pangulo matapos bisitahin ang NING*NING 6.55-Megawatt Peak Solar Rooftop Power Facility sa Pasinaya Homes sa Naic, Cavite — kinikilalang kauna-unahang grid-connected, utility-scale solar rooftop project sa mundo na matatagpuan sa loob ng isang socialized housing community.

“It is an initiative that is a monumental one as it lights up homes and the path forward to the country’s energy transition,” sinabi ng Pangulo.

Ang NING*NING Project ay naglagay ng mga solar panel sa bubong ng 1,986 na kabahayan, na nagbibigay-daan upang sama-sama silang makapag-generate ng malinis na enerhiya.

Binigyang-diin ng Pangulo na bukod sa pagkakaroon ng solar power, ang proyekto ay lumilikha rin ng kita na makatutulong sa pagpapanatili ng mga serbisyo ng komunidad tulad ng pagkukumpuni ng bubong, street lighting, waste management, shared solar facilities, at mga training program para sa mga residente.

“In other words, the energy produced here will power a better life for the people who live in this community,” ayon sa Pangulo.

“Because although there are advantages, there are benefits to those living in this community, there is also the benefit to the grid because you are providing additional power, which we all know is something that we need.”

Pinuri rin ng Pangulo ang proyekto sa mahusay nitong paggamit ng mga existing na bubong, na hindi gumagamit ng lupang sakahan, hindi nakakasira ng kabuhayan, at hindi nagsasayang ng anumang lupa.

Ayon kay Pangulong Marcos, inaasahang makababawas ang proyekto ng mahigit 6,233 metric tons ng carbon dioxide emissions bawat taon — na katumbas ng pag-alis ng halos 1,000 sasakyan sa mga kalsada.

Sinabi rin ng Pangulo na ang makabagong inisyatiba ng proyekto ay kinilala na sa buong mundo, matapos nitong magwagi ng Gold Award para sa ESG Integration Excellence at Silver Award para sa Sustainable Renewable Energy Initiative of the Year sa Asian Power Awards 2025.

Binati ni Pangulong Marcos ang Solaris Inc., ang solar energy arm ng Joy-Nostalg Group, at ang development arm nito na Raemulan Lands — ang mga kumpanyang nasa likod ng proyekto — kasama ang kanilang mga katuwang, sa pagpapakita ng galing at talino ng mga Pilipino sa pandaigdigang entablado.

“I believe that this community in Naic is just the beginning… Imagine what we can do if we replicate this sort of effort in neighboring communities and, later on, the rest of the country,” ayon sa Pangulo.

Binigyang-diin ng Pangulo na ang mas malapit na pagtutulungan ng pamahalaan, pribadong sektor, at mga lokal na komunidad ay napakahalaga upang mapalawak ang mga inisyatiba sa renewable energy sa buong bansa, lalo na sa harap ng mga hamon ng climate change.

“Kailangan natin ng tulong ng bawat komunidad, bawat pamilya, bawat Pilipino,” dagdag pa ng Pangulo.

Tiniyak rin ng Pangulo na patuloy na pagbubutihin ng administrasyon ang mga proseso upang higit pang isulong, suportahan, at pabilisin ang pagbuo ng mga makabago at makalikasang renewable energy projects.

“Indeed, our collaboration demonstrates what can be achieved when the government, private sector, and communities work together to create sustainable solutions,” ayon kay Pangulong Marcos.

“Muli, sama-sama po tayong magsikap upang makamit ang isang mas maganda at maliwanag na kinabukasang mamanahin at ipagmamalaki ng ating mga anak,”ayon sa konklusyon ng Punong Ehekutibo. (Daris Jose)