• November 22, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: November 22, 2025
    Current time: November 22, 2025 12:41 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Obrero, helper kulong sa sugal, droga sa Valenzuela SA loob ng selda humantong ang paglilibang ng apat na kelot sa pamamagitan ng paglalaro ng ilegal na sugal matapos silang maaresto ng pulisya sa Valenzuela City.

SA ulat ng Malinta Police Sub-Station 4 kay Valenzuela Police Chief P/Col. Joseph Talento, bandang alas-3:30 ng hapon nang maaktuhan ng mga tauhan ng SS4 ang dalawang obrero na nagsusugal umano ng ‘cara y cruz’ sa Area 5, Pinalagad, Brgy., Malinta.

Hindi na nakapalag ang dalawa nang dambahin nina P/MSg. Belarma at Pat. Asuncion at nakuha sa kanila ang bet money at pangara habang ang isang plastic sachet na naglalaman ng umano’y shabu ay nasamsam kay alyas “Jay”, 25.

Nauna rito , dakong alas-8:30 ng gabi nang mahuli rin sa akto ng mga tauhan ni Karuhatan Police Sub-Station 9 Commander P/Capt. Joan De Leon ang dalawang kelot na nagsusugal rin umano ng cara y cruz sa Area 1, Family Compound, Brgy., Karuhatan.

Nilapitan nina PSSg Raheb Usman at Pat Dan Aldrin Baladad ang dalawa sabay nagpakilala bilang mga pulis bago inaresto at nasamsam sa kanila ang bet money at pangara habang ang isang plastic sachet ng hinihinalang shabu ay nakuha kay alyas “Jerico”, 24, helper.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa PD 1602 o ang Anti-illegal Gambling Law habang karagdagan na kasong paglabag sa R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang kakarapin pa nina ‘Jay’ at ‘Jerico’. (Richard Mesa)