• November 22, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: November 22, 2025
    Current time: November 22, 2025 10:35 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinaghandaan talaga ang role sa musical play: JEFFREY, magre-represent ng OFWs kaya marami ang makaka-relate

PINAGHANDAAN ni Jeffrey Hidalgo ang papel niya bilang si Willie sa “Jeproks, The Musical”.
“Ako, after reading the material, I’m excited to create a new character for this production.
“Yung character ko kasi, kumbaga representative siya of OFWs all around the world. So, doon sa story ko, doon sila makaka-relate.
“I guess, hindi lang OFWs, mga Pinoy, yung toxic… ano bang tawag dun? Toxic family culture, doon ita-tackle sa thread ng character.
“Yun nga, sinabi na din yun ni direk [Frannie Zamora] na para bang iba yung kilos ng mga tao noong 70s. Medyo mas mabagal, but at the same time, mas may care.
“Ngayon kasi medyo wapakels yung generation ngayon. Ha! Ha! Ha! So iyon. Iyon yung paghahanda na pinag-uusapan namin ni direk, kung anong klaseng character yung gagawin ko for my character, which is Willie.
“Nakakatawa kung mapapansin ninyo yung names namin. Siya si Mico, ako si Willie, si Nino si Paolo, so parang loosely based kay Mike, Wally, and Pepe.”
Pioneer ng rock music sa Pilipinas noong 70s sina Mike Hanopol, Wally Gonzales at Pepe Smith.
Pagpapatuloy pa ni Jeffrey, “Pero loosely based talaga, walang connection, letter lang. But yun nga, ang maganda dun sa mga characters namin, parang ano siya, representative siya of us, as Filipinos.
“So, I’m sure may at least one character na makaka-relate.”
Ang “Jeproks, The Musical” ay kuwento ng magkakaibigang Mico (David Ezra), Willie (Jeffrey) at Paulo (Nino Alejandro).
Inspired ito ng mga awitin ng Pinoy rock icon na si Hanopol at mapapanood sa GSIS Theater sa Roxas Boulevard mula November 20 to 30, 2025.
Ilan sa hits ni Hanopol kasama ang The Juan dela Cruz Band ay ang Laki Sa Layaw, Himig Natin, Titser’s Enemi # 1, Balong Malalim, Buhay Amerika, Beep Beep at marami pang iba.
Produced ng Tanghalang Una Obra (ni Frannie Zamora na siyang direktor ng musical play) at ng The Hammock Productions, Inc., available ang tickets para sa Jeproks, The Musical sa Ticketworld at sa www.ticket2me.net.
***
GUMAGANAP naman bilang aktibistang si Paz ang theater actress na si Sheila Ferrer sa “Jeproks, The Musical”.
Dahil dito, minsan ba ay sumagi sa isip ni Sheila na parang umuulit lamang ang kasaysayan?
“Yes,” bulalas ni Sheila.
“Kaya nga ano eh, ang gandang i-present niya ngayon, dahil ano e, ganun pa rin yung nangyayari, e.”
Sa panahon ngayon na maraming magagandang palabas sa sinehan, maraming pagkakalibangan online, paano niya kukumbinsihin ang mga kabataan, ang mga Gen Z at millennials, na manood ng isang musical play na tulad ng “Jeproks, The Musical”
“Tingin ko itong musical na ‘to, it’s also educational, in a way, sa mga youth ngayon.
“Kasi makikita nila kung paano yung mga Filipinos during the 70’s.
“Makikita nila kung paano ginamit yung music as a tool to express, as a tool para express na kailangan natin ng freedom, ipakita yung identity natin.”
Mainit rin ang usapin tungkol sa pulitika; sa tingin ba ni Sheila ay dapat ihalo politics at art?
“Ako kasi naniniwala ako na art is political, kasi… well, even before naman talaga, art is used as a tool din po. “Yun nga, kung meron tayong pinaglalaban, marami ngang mga protest songs, ganyan. Pero ang importante lang naman at the end of the day, kung ano talaga yung tool and yung makakabuti sa lahat.”

(ROMMEL GONZALES)