• November 22, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: November 22, 2025
    Current time: November 22, 2025 10:36 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tuluyan nang pinasok ang showbiz industry: EMAN, Sparkle artist na at inaming crush niya si JILLIAN

TULUYAN na palang pinasok ni Eman Bacosa Pacquiao ang showbiz industry.

Isa na ngang Sparkle artist ang 21-year-old boxer dahil pumirma na siya ng exclusive contract sa Sparkle GMA Artist Centre kahapon, November 19.

Present sa contract signing sina GMA Network CFO Felipe S. Yalong, GMA Network Senior Vice President Atty. Annette Gozon-Valdes, Sparkle First Vice President Joy Marcelo, Sparkle Assistant Vice President for Talent Recruitment and Development Ms. Jenny Donato at kanyang mom na si Joanna Bacosa.

Ayon sa naging pahayag ni Eman, “I just want to thank everyone for welcoming me here. Gusto ko din magpasalamat sa Panginoon Diyos for his plan.

“Hindi ko talaga to plinano, actually gusto ko lang talagang maglaro. I’m so blessed po na nakarating po ako dito ngayon.”

Anak siya ni People’s Champ Manny Pacquiao at Joanna Rose Bacosa, na hindi naman itinanggi na ready na siyang mag-artista.

Matatandaan na nangibabaw ang galing niya sa boxing sa ‘Thrilla in Manila 2’, na in-organize ng kanyang ama, na kung saan napanatili niya ang impressive record with seven wins, zero losses, one draw, and four knockouts.

Marami ring netizens ang nakapansin ng pagkakahawig niya kay Piolo Pascual, na na-meet niya nang mag-guest siya sa “Kapuso Mo, Jessica Soho.”

Sa guesting naman niya sa ‘Fast Talk with Boy Abunda’, tinanong si Eman kung sino ang Filipina celebrity crush niya. At walang hesitation na sinabi niyang si Jillian Ward.

May mensahe naman siya sa Kapuso actress, “Hi po, sana magkita po tayo.”

Well, abangan na lang natin ang kanilang pagtatagpo and who knows bago magkaroon pa sila ng project together.

***

MTRCB, binigyan ng PG rating ang pelikulang “Wicked: For Good”

BINIGYAN ng PG (Patnubay at Gabay ng Magulang) Rating ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang “Wicked: For Good.”
Kapag PG, maaaring naglalaman ang pelikula ng mga tema, lengguwahe o eksenang nangangailangan ng gabay ng magulang o nakatatanda para sa mga batang manonood.
“Bagamat ang pelikula ay karaniwang angkop para sa lahat ng manonood, hinihikayat namin ang mga magulang at nakatatanda na gabayan ang mga bata na maunawaan nang tama ang nilalaman ng pelikula,” sabi ni MTRCB Chairperson at CEO Lala Sotto.
Ang “Wicked: For Good” ay pinagbibidahan nina Ariana Grande bilang Glinda at Cynthia Erivo bilang Elphaba.
Tungkol ito sa pinagmulan ng magiging “Wicked Witch of the West” at ang kanyang ugnayan sa “Good Witch of the North.”
Ito ang ikalawang bahagi ng dalawang-parteng movie adaptation ng Broadway musical.
PG din ang naging rating ng Philippine-Korean produced film na “Finding Santos,” na pinagbibidahan ni Jang Theo, na unang nakilala sa Netflix’s South Korean dating show na “Single’s Inferno,” kasama ang ilang miyembro ng P-pop girl group na YGIG.
Samantala, ang action-thriller na “Wildcat,” na pinagbibidahan ni Kate Beckinsale, ay nakakuha ng R-13 rating.
Dalawa namang klasikong pelikulang Pilipino, ang “Karnal” (1983), isang drama-horror, at “Sa Aking Mga Kamay” (1996), isang psychological thriller, na sinulat pareho ng Pambansang Alagad ng Sining para sa Pelikula at Broadcast Arts na si Ricky Lee.
Nirestor sa digital ang dalawang pelikula ng ABS-CBN Film Restoration at ginawaran ng R-18 rating dahil sa mga tema at eksena na hindi angkop sa batang manonood.

(ROHN ROMULO)