Bayad ng take-off, landing, parking fees suspendido muna vs COVID-19 – DOTr
- Published on March 13, 2020
- by @peoplesbalita
INUTUSAN ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) at Manila International Airport Authority (MIAA) na ipagpaliban muna ang pagbabayad ng take-off, landing, at parkingfees ng mga local airlines dahil sa nararanasang COVID-19.
“We are in a situation that is not of our own liking nor of our own making. There is an emergency. Can the government not do things that can assuage the emergency? We need to extend our arm to all. Let it not be said that we did not do a thing,” wika ni Tugade.
Ayon sa CAAP at MIAA ang nasabing hakbang at desisyon ay ginawa upang matulungan ang mga airlines dahil sa paghina ng turismo na siyang dahilan upang bumaba ang mga bilang nga mga pasahero na sumasakay dito dahil sa paglaganap ng COVID-19 sa buong mundo. Ang mga local na airlines na may operasyon sa MIAA at nasa ilalim ng CAAP ang siyang covered ng nasabing order.
“Deferred charges for local carriers total about P58 million a month. Local airlines operating under CAAP will save P37 million a month in terms of deferred take-off, landing, and parking fees. The airlines will pay the deferred charges once the COVID-19 threat in the country is lifted,” wika ni MIAA general manager Ed Monreal.
Sinabi ni Monreal na magkakaroon sila ng scheme na ipapatupad sa nasabing deferred payment at kanila rin titingnan kung paano sila makaka-recover. Titingnan din ng CAAP kung gaano katagal nila ipapatupad ang defernment at kung paano makababangon ang mga airlines kaya’t kanilang pinag-uusapan ang maaaring isang taon na deferment at isa pang taon para sa pagbabayad.
Tinatawagan din nila ng pansin ang aviation at airport sectors na palakasin ang local na turismo sa bansa. Kung kaya’t hinihikayat ng Civil Aeronautics Board (CAB) ang mga airlines na magkaroon ng mas maraming local destinations upang palakasin ang local tourism upang mabawasan ng kahit konti ang pagkalugi ng mga airlines.
Sa ngayon ang NAIA ay parating sumasailalim sa sanitation at disinfection upang siguraduhin na ligtas ang mga pasahero. Ayon sa MIAA, kada 30-minuto ay mayroong naglilinis at nagdagdag pa rin sila ng mga thermal scanner.
Sinabi naman ng DOTr, sila ay gumagawa ng isang holistic approach sa paglilinis ng lahat ng transportation hubs sa bansa.
Ang Philippine Ports Authority (PPA) ay nagbigay ng kautusan sa lahat ng mga daungan sa bansa na makipagtulungan sa mga quarantine offices at mahigpit na ipatupad ang screening ng mga pasahero sa arrival areas lalo na sa mga lugar na pinupuntahan ng mga turista.
Inutusan na rin nga ng Philippine Coast Guard (PCG) ang lahat ng medical units nito sa 13 Coast Guard Districts na maging alerto sa posibleng pagkalat ng NCOV-19.
Ang mga loob naman ng mga trains at station premises ay sumasailalim rin sa round-the-clock na paglilinis. (LASACMAR)