• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 21, 2025
    Current time: October 21, 2025 12:10 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Basketball rings sa QC, pinagbabaklas

DAHIL sa paglaganap ng coronavirus o COVID-19 sa bansa ay pinatanggal na ni Mayor Joy Belmonte ang mga basketball ring sa iba’t ibang barangay sa Quezon City.

 

“Tinanggal ng mga punong barangay namin ang lahat ng mga basketball ring sa covered courts para siguradong hindi sila mag-basketball at kung ano pang mga hindi nila ginagawa during class hours,” pahayag ng alkalde.

 

Sa ngayon ay nagdeklara na ang lady mayor ng state of calamity sa nasabing lungsod dahil may anim nang kabuuang kaso na nagpositibo sa virus.

 

Bukod sa paglalaro ay hinikayat rin ng 49-anyos na mayora na iwasan na ang pagpunta sa mga pampublikong lugar gaya na mga misa, public gathering at iba pa.