• April 6, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nagpapasalamat sa Dreamscape dahil sa The Alibi: KIM, may gustong patunayan sa daring scenes at suportado ni PAULO

NAGKAROON ng blue carpet premiere night and grand media conference last Tuesday, November 4 ang newest series ng ABS-CBN Studios and Dreamscape Entertainment, in honor and legacy of Deo Endrinal, “The Alibi.”Starring Kim Chiu and Paulo Avelino, kasama sina Sam Milby, John Arcilla, Zsa Zsa Padilla, Romnick Sarmenta, Rafael Rosell, Sofia Andres, Angelina Cruz, Robbie Jaworski III at marami pang iba.Ang nakakaintrigang phrase nila ay ‘Everyone has a secret to hide, can we trust your alibi?’Pinasilip ang pilot episode ng “The Alibi” na Rated 13 ng MTRCB at isa nga sa inabangan ay ang sexy dance ni Kim sa isang bar habang nanonood si Paulo.Kaya natanong siya sa presscon tungkol sa mapangahas na eksena niya sa serye.“Siguro naman, as a 35 years old woman, tapos na tayo sa 16 years old role na teeny-teeny,” say ng aktres.“Pero favorite ko talaga mag-teeny-teeny, magpapatawa. Pero parang pag tina-track ko yung journey ko dito sa industriyang ito.“Parang nahati ko naman siya sa teens, twenties. Sabi ko, anong ipapakita ko sa aking thirties? ‘I think it’s my skin!’,” natatawang tugon niya.Bigla namang naging emosyonal ni Kim nang pasalamatan niya ang Dreamscape na… “malaki talaga iyong tiwala ko sa Dreamscape. As in sila talaga yung naghubog sa akin, Danica (Domingo, writer ng ‘The Alibi’) … hala, nakakaiya.Pagpapatuloy ni Kim: “Hala, bakit?! Hindi, hindi naman siya ginawa as… It’s artistic way.“Medyo mahirap na gawin pero tama na ang iyak! Gusto ko lang magpakita ng bago.“At sa mga nagsasabing hindi ako marunong sa ganitong klaseng role, eto na. Eto na yon!“So I want to prove all of them wrong. And that I can do more…”Nagpasalamat si Kim sa pagkakaloob sa kanya ng Dreamscape Entertainment ng project na tulad ng The Alibi.“And of course, si Pau din naman, malaking tulong din siya dahil nakita ko naman yung respeto niya sa akin,” sambit ni Kim.“And sa mga direktor namin na inaalagaan iyong mga shots, and yung mga cameraman namin.“Sa mga nag-iilaw, ang ganda ng launching ng body ko. Thank you so much!“And sa nag-choreo sa akin, thank you. Sa gym trainors ko, thank you so much. Pero more than the skin… it’s what’s inside me, and what I want to show to all my supporters.“And kung magkakaroon man ng bagong supporters, maraming salarequiresHiningan din ng reaksiyon si Paulo tungkol sa daring scenes ni Kim sa The Alibi.Pahayag ni Paulo: “Well, I don’t think it’s about skin or about ano… parang it comes with the maturity of the role, and what the role requires.“So, minsan talaga may mga karakter at may mga istorya na gustong ikuwento at sa mga ganitong paraan kailangan.“Dahil kung nagbebenta nga naman talaga ng aliw yung karakter, ang hirap naman kung hindi mo nakikita or napapanood, at hindi naipapakita sa audience na ginagawa niya iyon.“So it comes with… also the maturity of the actress. Pero mas character-driven po ito.“At kami po dito ay very loyal and very dedicated… yung dedikasyon na ibinibigay namin sa karakter namin ay purely for our character.”Ang ‘The Alibi’ ang ikaapat na project ng KimPau. Nauna rito ang mga teleseryeng What’s Wrong With Secretary Kim at Linlang, at ang pelikulang My Love Will Make You Disappear.Ang official theme song ng serye ay “Dito Ka Lang, Huwag Kang Lalayo” na kinanta ni Klarisse de Guzman.Ang “The Alibi” ay magsisimulang mag-streaming sa November 7, 2025 sa Prime Video.Mula ito sa direksyon nina Onat Diaz, Jojo Saguin, at FM Reyes.(ROHN ROMULO)