Dapat ding seryosohin pag may humihingi ng tulong: CHARLIE, may mga pinagdaanan pero ‘di umabot sa suicidal thoughts
- Published on November 6, 2025
- by @peoplesbalita
BIDA si Charlie Dizon sa horror film na “Near Death” kaya tinanong siya kung nagkaroon na ba siya, sa tunay na buhay, ng near death experience.“Sa awa po ng Diyos wala pa naman po, opo, hindi pa po umabot sa ganun,” umpisang bulalas ni Charlie.Tungkol sa suicide, anxiety, inner demons at depression ang pelikula at umamin si Charlie na dumanas rin naman siya ng malungkot na bahagi ng kanyang buhay.Aniya, “Siyempre may umabot sa buhay yung malungkot ka talaga, pero hindi ko rin masabi na-depress ako nun kasi hindi naman ako nagpa-diagnose po.“Pero yeah, parang siguro ganun, pero hindi naman po umabot din sa suicidal thoughts, iyon.“And iyon din yung gusto ko sanang iparating sa lahat, na sana mas maging kind yung mga tao sa isa’t isa.“Kasi tulad ni Julia, yung pinagdaanan niya, triny naman niya.”Gumanap si Charlie sa “Near Death” bilang pangunahing tauhan na si Julia.Pagpapatuloy pa ni Charlie, “Triny niyang bumangon kahit after nung suicidal ano niya, incident, di ba?“Triny niya lahat pero yun, may mga hindi naniwala sa kanya.“Nag-try siyang humingi ng tulong.“So sana sa susunod na tayo, halimbawa, maka-experience ng ganun or may humingi sa atin ng tulong, iyon po sana makinig talaga tayo.“Kahit yun lang, yung presence na makinig tayo, ibang klase na yan,” sabi pa ni Charlie.Sa direksyon ni Richard Somes na producer rin ng pelikula, kasali ang “Near Death” sa Sine Sindak Film Festival sa mga SM Cinemas.Nasa pelikula rin sina RK Bagatsing, Xyriel Manabat, Soliman Cruz at Lotlot de Leon.Produced ng Diamond Productions, CMB Films at RVS Studios, ang “Near Death” ay palabas pa ngayon sa mga sinehan.(ROMMEL L. GONZALES)