• April 6, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Dahil sa natatanggap na matinding pambu-bully: WILL, kumonsulta na sa abogado para hanapin at panagutin

ANG tanong, “inaano ba siya ng Eat Bulaga?” patungkol kay Anjo Yllana.
Kasi naman, ilang live na pala niya sa Tiktok niya na binibira niya ang mga host, partikular na ang TVJ, lalo’t higit ai Senate President Tito Sotto.
Ilan sa mga hanash ni Anjo, nandiyang kinukuwestiyon nito at hinihingan ng resibo si Tito Sen kung totoong ibinibigay raw sa mga scholars ang kita nito sa senado. May tungkol pa sa kabit o babae raw nito na alam niya.
Damay rin sina Vic Sotto at Joey de Leon, pero pinapalabas niyang tila ang Senator ang pinaka-“leader” huh. At meron daw kasing sindikato sa loob.
Hinahanap namin kung saan nagsimula ang galit ni Anjo, pero wala kaming makita pang reference.
Ito pa rin ba yung pagkawala niya as host ng ‘Eat Bulaga’ or yung dati na may utang pa sa kanya? Pero, hindi ba dapat ay TAPE ang balikan niya?
Twenty years daw si Anjo sa longest running noontime show, kaya marami siyang alam. Pero teka, pwedeng mademanda si Anjo sa mga pinagsasabi niya kung sakali at hindi siya makakapaglabas ng resibo.
Base kasi sa mga comment, mukhang majority, hindi umaayon sa kanya.
***
IPINAKITA nga ni Will Ashley ang sample ng natatanggap niyang mga mensahe.
Ang ipinost niya ay mukhang sa private message niya natanggap at nakalagay ro’n na, “Mamamatay Ka Na,” Hayop” at “Pangit ng Nanay mo.”
Bukod dito, mukhang may mga kanya-kanyang fans, posibleng sa love triangle nila ito nina Dustin Yu at Bianca de Vera na pinag-aaway-away sila.
Dahil dito, plano raw ni Will na kumonsulta na ng lawyer para sa legal options na pwede niyang gawin.
Ayon dito na ipinost niya sa kanyang X account, “I’ve been getting a lot of messages saying they hope my mom dies. Bakit umabot tayo sa ganyan? Last week lang, nagkaroon ng online reflection about bullying and mental health, tapos lumala this week?
“We are just doing our job, working for our craft, our art – bakit kailangan itapon natin ang morality? O baka sadyang masama lang talaga kayong tao and can’t wait to wish ill on others. Wala kaming ninanakaw, wala kaming sinasaktan o tinatapakan, lalo na ang pamilya ko. Save your outrage for people who are doing evil, not people who are just making art.
“Also, my friends know better than you. Bakit sila nadadamay? Pati support system who keep us afloat and are there during the private moments of our lives, nadadrag ng walang dahilan. And this isn’t just happening to me, pati sa ibang housemates. We built a strong bond in the house, hindi nyo ito masisira.
“Not everything we do is a calculated PR move, we are humans too. 4 months kaming magkakasama, supporting each other every day through some of the toughest days of our lives, so obviously close talaga kami. Sana all the fans, including the very few of mine na gumagawa nito, let’s tone it down please. Lahat kami we are just working for our dreams. Lahat kami mahal ang trabaho namin.
“I am consulting now for legal options in case this doesn’t stop. I don’t want to tolerate this hate anymore na ibinabato nyo sa kahit sino. Not me, not my friends and especially not my family. This is not a good use of our limited time on earth. Sana use your time to spread love, positivity and support.
“Lastly, thank you to my fans who fight for me kahit minsan mahirap. Maraming salamat sa pagsama pa rin sa akin sa journey ko, kayo ang lakas ko. Know I appreciate you all and mahal ko kayong lahat.”
Sa totoo lang, grabe na ang mga netizen, ang daming toxic talaga.

(ROSE GARCIA)