• April 11, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM sa mga tanggapan ng gobyerno: Panatilihing ‘pangkaraniwan, makabuluhan’ ang ‘holiday celebrations’

HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lahat ng ahensiya ng gobyermo na panatilihing ‘modest at meaningful’ ang Pasko at ang year-end celebrations bilang pakikiisa sa mga Filipino na hanggang ngayon ay nananatiling pilit na bumabangon mula sa kamakailan lamang na kalamidad.

Sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na ang ‘reminder’ o paalala ay ipinalabas kapwa ng Malakanyang at Department of Budget and Management (DBM), naglalayong i- promote ang pagmamalasakit at pigilan ang bansa habang papasok sa holiday season.

“Kasunod ng mga sakuna sa bansa —paalala ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at ng DBM sa ahensya ng pamahalaan— gawing simple ang pagdiriwang ng holiday season,” ayon kay Castro.

Aniya ang patnubay ay sumasalamin sa alalahanin ng administrasyon sa mga komunidad na tinamaan ng kuwerdas ng kalamidad kabilang na ang kamakailan lamang na paglindol sa Visayas at Mindanao at mga bagyo na bumugbog sa ilang lalawigan.

“Mahalaga ang pagdiriwang ng Pasko na may pag-aalala sa kapwa nating patuloy na nagsisimulang muli dulot ng maraming kalamidad na tumama sa bansa,” ayon kay Castro.

Samantala, ang paalala ay matapos na tumama ang Bagyong Tino (international name Kalmaegi), ang pang-20 tropical cyclone na tumama sa Pilipinas ngayong taon, hinagupit ang ilang bahagi ng Visayas at Mindanao, nagpakawala ng baha, landslides, at nag-displaced sa libo-libong pamilya. (Daris Jose)