Intsik na nagpapatakbo ng ‘solo’ scam hub, huli ng BI
- Published on November 6, 2025
- by @peoplesbalita
ARESTADO ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Chinese national na natuklasang nagpapatakbo ng crypto currency investment scam sa loob ng isang condominium .
Ang mga ahente ng BI Fugitive Search Unit (FSU), sa pakikipag-ugnayan sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Regional Field Unit – National Capital Region at sa Department of Justice – Office of Cybercrime, ay kinilala ang naaresto na si Liu Feng, 41, sa loob ng isang condominium unit sa Diosdado Macapagal Blvd., Brgy. Tambo, Parañaque City.
Naaresto si Liu sa aktwal na nagpapatakbo ng isang workstation na pinaghihinalaang ginagamit sa isang cryptocurrency scam.
Bukod sa pagtatrabaho nang walang kaukulang permit, natuklasang overstaying si Liu matapos mabigong mag-apply para sa extension ng kanyang visa simula pa noong Oktubre 2024.
Kasalukuyan nasa kustodiya na ng CIDG ang naaresto para sa imbestigasyon kaugnay ng mga pinaghihinalaang gamit sa droga na narekober sa kanyang workstation. (Gene Adsuara)